WALA nga'ng nagawa si Cristina lalo na't nang umabot na ang kaso sa korte at tuluyang nahati ang puso niya sa dalawang lalaki sa buhay niya. Sa daddy niya't kay Miguel. Idagdag pa si Marcus na nasasangkot din. Tuwing may hearing sa Regional trial court sa Tacurong, lagi siyang nasa tabi ng ama at nakaupo sa kampo ng mga nasasakdal pero hindi rin niya maiwasang mag-aalala sa nagsasakdal. Masakit at napakahirap para sa kanya ang sitwasyong maipit sa dalawang panig. Nasa nasasakdal nga ang presensya niya ngunit ang puso naman niya'y nasa nagsasakdal na may labis na ipinaglalaban. At first, she didn't want to believe everything that Miguel had told to the court accusing her father and Marcus to serious case like attempted murder. Ngunit sa pagdaan ng ilang mga hearings at labanan sa korte, u