DION It's been 4 hours noong dalhin namin si Danaya rito sa Hospital and up until now wala pa rin siyang malay. Nakausap ko na ang Doktor at sinabi niya na stable na ang kalagayan ni Danaya pero hindi niya masasabi kung kailan ito magigising. "I'm sorry..." bulong ko habang nakahawak sa kaniya kamay. As much as I wanted to hold my tears back, bigo akong pigilan iyon dahil si Danaya ang kahinaan ko. I promise to myself na gagawin ko ang lahat para masiguro lang na hindi siya masasaktan and yet here she is, puno ng sugat at pasa sa katawan. Those will heal pero ang trauma na inabot niya sa kamay ng mga mapansamantalang tao, iyon ang ikinagagalit ko. Galit ako sa lahat ng nanakit kay Danaya, kahit kailan hinding-hindi ko sila mapapatawad, pero mas galit ako sa sarili ko for letting this to

