GEORGE "Where the f**k is that old s**t? Sabi niya dito ang eksaktong lugar ng pagkikitaan namin," tanong ko sa aking sarili. Pagkatapos akong tawagan ni manang na isasauli na niya sa akin si Danaya, dali-dali akong umalis ng bahay. Tumakas na naman akong muli kina dad. Pinapabalik ko na sila sa Manila pero hindi sila nakinig sa akin. They keep on bugging me pero hindi ko sila pinapansin. Iniwan ko silang ngumangawa-ngawa. Wala naman akong dapat i-explain. Hindi na ako bata. I know what I am doing. Alam ko kung saan pupulutin at kung ano ang kababagsakan ko. Gusto ko lang lubusin ang buhay namin sa mundong ibabaw dahil isasama ko sa hukay si Danaya. If I can't have her heart then mas mainam nang mamatay na lang kaming pareho nang sa gano'n ay walang makakakuha sa kaniya... Even his f**

