WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS DISTURBING CONTENT SUCH AS GORE AND VIOLENCE. --- PASADO alas otso na ng gabi. Dahil nagmula sa kuta ng Hide and Seek ang special request na litisin sa Underground ang tatlong nilalang, sila ang taya ngayong gabi. Sila ang maghahanda ng lahat ng kakailanganan, simula sa mga kagamitang gagamitin hanggang sa pagpaparusa sa mga akusado. Habang maingat at mabilis na naghahanda ang tauhan nina Phobos, sila ay nagkatipon-tipon muna sa opisina nito. Syempre, dahil ito ang pinakaespesyal na gabi para kina Dion at Danaya at sa iba pang nadamay sa kagaguhan ng mga Cojuangco... hindi mawawala ang alak. "I never thought na wala sa option ng mga judge ang panghabang buhay na pagkakakulong or 'yong tinatawag na reclusion perpetua... kasi iyon talaga ang iniisip ko na

