DANAYA "Hahahaha! Binobola niyo ako!" masayang bulalas ni Amira noong sinabi ni Jam na hindi halata na malapit na siyang mag-forty. Kahit din naman ako, hindi makapaniwala. napakabata niyang tingnan, mas bata pa sa akin, charot. "Totoo nga. Tapos dalawa na ang anak mo? Grabe, para kang wallang anak talaga," patuloy na pamumuri ni Jam. Nakatingin lang ako sa kanila habang nakangiti. Paunti-unti nang dumarami ang mga taong pumapasok sa malaking bulwagan. "Danaya? Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Jam. Tumango ako bago sumagot."Uhm, medyo nahihilo lang ako." "Tubig, uminom ka ng tubig. May katinko rin ako dito sa bag," wika ni Amira saka niya inabot sa akin iyong bottled water tapos katinko. "Pasensya ka na, Amira," sabi ko, nahihiya. "Ano ka ba, ganiyan talaga kapag buntis, paiba-iba

