DANAYA Na-caaried away ako, I admit that. Mabuti na lang at kaagad kong na-realize na nasa public pala kami. Though, hindi naman siguro big deal ang mapayakap nang sobrang higpit sa lalaki kung ang alam nila ay kadugo ko iyon. Kaya naman para makalusot, tinawag kong kuya si Dion. "I'm glad that you came, kuya," nakangiti kong wika. Sana naman umepekto iyong pagpaparinig ko na halos sumigaw na ako. "Of course. Basta ikaw," ani 'ya. HIndi ko alam kung hindi ba nakuha ni Dion ang gusto kong mangyari dahil kinuha niya ang kamay ko't hinalikan ang ibabaw niyon. Kumunot ang noo ko pero mabilis lang 'yon dahil mas nangibabaw sa akin ang kilig. "D-Dito tayo, KUYA," ani ko, sinadya na bigyan ng diin iyong huling salita. Binawi ko iyong kamay ko't hinila ang kaniyang braso patungo sa may VIP roo