JAM Pusakal! Anong ginagawa ni Ralph dito sa Heaven's bar?! At bakit siya parang engot na nakatayo habang nakatingin sa gawi nina Dion at Danaya? Masokista yarn? tititigan kahit masakit? Amboklogs! I'm torn between gusto kong pumikit at the same time gusto ko ring imulat ang mga mata ko't patuloy silang tingnan dahil I don't want to miss a single thing... charizability! Napapangiwi na lang ako no'ng pinakikinggan magsalita si Ralph. Talagang sinama pa niya mga tropapits niya para ano? Para ma-witness ang kabobohan niya ngayong gabi? I warned him paulit-ulit pa na wala siyang pag-asa kay Danaya dahil si gaga ay hulog na huog kay Dion. Wala siyang mahihita. Susko! "Oh shit... here comes the devil," bulong ko no'ng sagutin ni Dion si Ralph. Aawat na ba ako? Nah. Problema niya 'yan. Gina