DANAYA I am ready for our gala. Hinihintay ko na lang na tumawag si Dion dahil susunduin niya ako rito sa bahay. He's not allowing me to go out... ayaw ko namang suwayin ang utos nito kahit na gusto kong magpapansin sa kaniya. "Manang kanina niyo pa kinukusot ang mata niyo. Napuwing po ba kayo? Nasa loob naman po tayo," sabi ko sa kaniya. "Wala, anak. Masaya lang ako dahil nagbalik ka nang ligtas." Ngumiti ako at niyakap ko siya. "Wag na kayong umiyak. Baka biglang dumating si Dion sabihin pa no'n pinaiyak ko po kayo." Niyakap niya ako nang mahigpit at ginantihan ko iyon. "Ang tanging hiling ko naman ngayon ay sana maging masaka kayo ni Dion sa bagong landas na inyong tatahakin." Yumuko ako. Mas mataas ako kay manang dahil nakasuot ako ng 5 inches na heels. "Eh?" Iyon lamang ang lum

