MARGA "Yaya samahan mo ako sa loob dahil ikaw ang magdadala ng mga bibilhin ko," sabi ko habang naglalakad papasok sa SM. Balot na balot ang katawan ko not because it is raining cats and dogs but I got several bruises that are still visible. Nakakahiya naman kung pangrampa ang lakaran ko tapos may mga sumpa ako sa katawan. "Yaya bilisan mong maglakad," tawag ko. Paglingon ko ang dami nitong bitbit na gamit. "Anong mga 'yan?" tanong ko sa kaniya. "Sako bag po ma'am." Tumigil ako sa paglalakad. Tinaasan ko siya ng kilay. "And for what?" maarte kong tanong. Ready na akong hablutin iyong mga dala niya mabuti na lang at hindi siya lumapit sa akin dahil kung oo baka kasama ang buhok niya sa mahablot ko. "Ahm. Para po hindi po ako mahirapan magbitbit ng pamimilhin niyo po, ma'am. Malak

