Chapter 59 “Mortel, Adamson E. c*m Laude.” Nakakabinging palapakpakan ang maririnig sa buong hall ng campus namin kong saan nagaganap ang graduation ceremony namin. Nong tawagin ang pangalan ko, nakangiti at buong galak akong umakyat sa stage para tanggapin ang gantimpalang diploma at medalya sa kursong Agriculturist. Sa wakas nakatapos din kolehiyo sa kabila ng nangyari sa amin lalo na sa ‘kin. Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang dami kong hinabol nu’n para sa kanya kasi ito rin ang kagustuhan niya ang ipagpatuloy ang buhay namin kahit wala na siya. Pero hindi siya mawawala sa mga puso’t isipan namin kong gaano naging makabuluhan siya sa ‘kin nong dumating siya sa buhay ko. Kinuha ko ang diploma at sinuot nila sa ‘kin ang medalya ko. Kinapagkamayan sa mga dati kong professor at humarap