Chapter 7
Nasa loob kami ng pansitan na may kulay yellow at read na kulay na lahat ng makikita sa loob. May mga bilaong naka-display sa itaas ng pader sa may counter. May iilan lang na kumakain doon na mga estudyante galing sa CCC at ilang empleyado na galing sa mga katabing establisimento.
“Ano naman ang makakain natin dito?” Tanong ni Kent mula sa likuran ko.
Ngumingiti-ngiti na lang ako ro’n babaeng nasa counter na kanina pa naghihintay sa order, “marami, hindi ka ba marunong magbasa sa menu?” Sabay turo ko doon malapit sa may mga nakakabit na bilao.
“Sigurado ka ba na ikaw magbabayad? May pera pa naman ako,” sabi naman ni Kelly.
“Ako na nga,” sabi ko uli.
“Bahala siya, nag-volunteer siya edi pagbigyan natin,” mayabang na tugon ni Kent at saka siya lumapit sa counter sinadya pang bunguin ang balikat ko, kaya hinampas ko ang likod niya bago pa man siya makalapit sa ‘kin pero parang wala naman sa kanya.
“Ah ano nga ba ang pwede,” napaisip na naman siya dahil mukhang hindi niya alam kong anong kakainin niya, “ano na lang palabok tapos kutsinta at putong kalasio.”
Lumapit na rin si Kelly at Adam kay Kent, “ga’nun na lang din sa ‘kin.” Sabi ni Kelly.
“Ako rin po.” Sabi naman ni Adam.
“Sabayan mo na rin ng blue lemonade yong malamig na malamig,” dagdag ni Kent bago siya pumunta sa lamesa malapit sa bintana. Pang apatan yong lamesang pinili niya kaya kasya kaming apat.
Nong makaupo sila ay agad din naman akong sumunod. Katabi ko si Kelly at katapat ko naman si Adam. Nagtatakang nakatingin sa ‘kin si Adam kaya tinaasan ko siya ng kilay, “anong problema?”
“Wala naman pero parang hindi ko naman narinig na nag-order ka,” sabi niya.
Umiling ako at saka ko nilabas isa-isa ang mga pagkain galing sa bag ko. Tubig na nasa tumbler ko, cupcakes, mga slice fruits and sandwich na nasa baunan ko na ginawa ni mama. “Kailangan kong mag-ingat sa pagkain, hindi kasi sa ‘kin pwede yong mga pagkain dito maliban sa puto at kutsinta kaya ito na lang kakainin ko.”
Nakakunot-noo nagsalita si Kent, “bakit mo pa kami niyaya rito?”
“Tapos ikaw pa magbabayad?”
Muli akong napasulyap kay Adam na parang hinihintay din ang sasabihin ko saka ko binaling ang tingin ko sa mga pagkaing nilatag ko sa lamesa, “napagod kasi kayo samantalang ako wala naman akong ginawa, way of saying thank you na lang,” saka muli ko silang tiningala at ngitian.
Hindi naman sila nakipagtalo at para bang hinayaan na lang yong naging desisyon ko. Nong dumating yong orders nilang pagkain saka sila nag-umpisang kumain. Nakipag-agawan pa si Kent ng puto at kutsinta kila Kelly at Adam dahil masarap at ngayon pa lang daw siya nakatikim ng ga’nong pagkain.
Hindi ko maiwasang hindi matuwa sa kanila lalo na kay Kent dahil kahit brusko siya at mayabang may kakulitan talaga siyang taglay. Nong matapos sila at magbabayad na ako ng kinain nila. Inunahan ako ni Kent nang ilabas niya wallet niya at bumunot ng 500 na papel.
“Hala, ako na!” Saway ko kay Kent.
“Hindi ako na, hindi ka naman nag-order ano kaya ‘yon,” sabi niya saka na siya lumapit doon sa babae at nagbayad.
“Oo, hayaan mo na siya,” sabi sa ‘kin ni Kelly.
Tumango na lang ako at sumang-ayon sa kanya. Muli kaming bumalik sa school para matapos na yong trabaho. Hindi naman ako pinaglinis ni Adam at hindi ko rin alam kong bakit.
NATAPOS ang maghapon na nalinis nila ang buong public garden at halata sa kanilang mukha ang pagod. Sandali kaming nagpahinga at talagang binilhan ko na sila ng tubig na ako mismo ang gumastos. Hindi naman sila tumanggi at kinuha nila ‘yon para rin makainom. Mga limang minuto ang nakalipas nang isa-isa na sila magpaalam, gusto sana silang tanungin kong pupunta ba sila sa St. Jude chapel at magsabay-sabay na kami nang magsalita si Kent.
“Alis na ‘ko,” sabi niya saka siya umalis at naglakad papasok sa pasilyo ng campus.
Tumayo na rin si Adam, “ako rin alis na ako, may pupuntahan pa ako, mag-ingat na lang kayo.”
Tumango na lang ako at si Kelly na lang ang naiwan sa tabi ko.
“Pupunta k aba sa St. Jude?”
Bahagya akong nagulat sa tanong niya na siyang nagpangiti sa ‘kin, “oo, pupunta ka rin ba ro’n?”
“Oo, gusto mo sabay na tayo?”
“Sige ba,” saka kami tumayo at umalis na ng public garden.
Habang naglalakad kami papunta sa waiting shed hindi ko maiwasang magtanong uli. Sa tatlong ‘yon si Kelly lang naman ‘yong madaling pakisamahan at kausapin kasi mahinahon siya.
“Bakit ka nga pala pumunta sa St. Jude chapel?” Tanong ko. Tumigil siya at napasulyap sa ‘kin, “ah, ayos lang naman kong ayaw mong sagutin baka masyadong personal.”
Ngumiti siya at umiling bago siya nagpatuloy sa paglalakad kaya sumabay uli ako.
“Hindi naman personal, hindi ko lang alam kong paano ko sasagutin basta ang alam ko ikaw ang dahilan.”
Mas nabigla ako sa sinabi niya, “ako?”
Tumawa naman siya, “naalala ko kasi weekends nu’n nong napadaan ako sa St. Jude nong isang hapon, hindi ko na tanda pero nakita kong nandoon ka tapos kasama nong iba namimigay ka ng leaflets tungkol session sa St. Jude na tumutulong kayo sa kabataan katulad ko na mapakinggan yong boses na matagal na naming tinatago, lumapit ka sa ‘kin at inalok mo ko na sabi mo masaya ro’n.” May ngiti sa labi niya pero may lungkot sa mga mata niya pero natatandaan ko yong kinikwento niya.
“Ah, oo, nong free day namin yon at tumutulong kami sa simbahan. Masaya doon at marami ring activities na mangyayari.”
“Ikaw, bakit ka nandoon?”
“Simple lang, gusto ko rin may makinig sa ‘kin at least sila kahit hindi mo kilala concern sila sa ‘yo. Tapos sabay-sabay kayong matutulungan at saka marami pang iba kesa naman maghanap ka ng kaibigan sa paligid pwede mo naman silang maging kaibigan.”
“Pero may kaibigan ka doon?” Tanong niya uli.
Umilinga ko, “wala pero lahat sila kakilala ko, ayokong magkaroon ng kaibigan kesa ayoko mag-iwan ng alaala sa tao, mas mahirap umalis kong ga’nun, may masasaktan ka at saka best friend ko naman si mama kaya keri na ang isa,” proud kong sagot sa kanya.
“Ayon na pala yong bus, halika na,” yaya niya sa ‘kin saka kami sumakay ng bus.