Chapter 56 Tulala akong nakatitig sa lamesa sa loob ng guidance councillor habang katabi ko si Kent. Duguan ang kamao ko, ramdam ko pa rin ‘yong pasa at mga suntok na binigay sa ‘kin ni Kent kanina sa canteen. Hindi ko naman siya masisisi, naging gago ako kay November at pinagtanggol lang naman niya ito sa ‘kin. Saka ko lang na realized lahat ng ginawa ko sa kanya, nong mga oras na ‘yon hindi ko rin naintindihan ang sarili ko at para bang nawala ako sa momentum. Sa isang iglap para bang nagalit ako sa mundo at ayoko munang makipag-usap ni isa sa kanila. Pakiramdam ko napakalaki ng kasalanan kong nagawa kay November. Gusto kong humingi ng tawad. “Hindi ako makapaniwala na magagawa mo ito Mr. Mortel at isa ka pa namang huwaran sa mga estudyante rito tapos ganyan ang ipapakita mo sa lahat