Chapter 40 “…‘wag po ninyong hahayaan na ma-stress siya lalo na sa ganito niyang kalagayan, maari pong maapektuhan ang utak at puso niya kong magpapatuloy po ito.” Nagising ang diwa ko nang makarinig ako ng ingay sa paligid ko, para bang boses ng lalaki na nagpapaliwanag at boses ng humahagulgol. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Nanlalabo pa ang paningin ko, huminga ako ng malalim at una kong nakita ang puting kisame. Gusto kong igalaw ang katawan ko o kaya kahit ang mga kamay ko ngunit hindi ko magawa. Nakaramdam ako ng kaba nang maramdaman kong may nakatusok na aparato sa pulso ko at sa mismong butas ng ilong ko. ‘Ma,’ hindi ko maibuka ang mga bibig ko at nanunuyot ang lalamunan ko. Gusto kong tawagin si mama ng matanaw ko siya sa direksyon ko. Nakaakbay si tito Mark sa kany