Chapter 32 “Sorry,” buntong-hininga sabi sa ‘kin ni Adam. Hindi ko mabilang kong ilang beses na niyang sinasabi sa ‘kin ‘yan. “Ayos lang diba,” sabi ko naman saka ko hinaplos ang buhok niya. Parehas kaming nakaupo sa kahoy na nakaharap sa sapa at magkaharap sa isa’t isa. Hinayaan ko lang siyang maging maayos at hindi ko siya pinilit na magkwento agad. Pinapakalma ko pa rin siya. Tahimik lang kami ro’n at hindi ko alam kong ilang minuto o oras na kaming nanatili ro’n dahil pakiramdam ko hapon na, pero hindi ko siya pinilit na bumalik agad. Tinitignan ko lang siya na pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay ko. Ilang beses din siyang napapabuntong-hininga. “Hey,” sabay angat ko sa mukha niya ng isa kong kamay, may lungkot pa rin sa mga mata niya, “hindi mo kailangan pilitin kong ayaw mo.”