Chapter 51 Minsan talaga hinihiling ko na lang na may sarili na kong kita at may sarili akong bahay para hindi ‘ko naririnig ang mga bangayan ng mga magulang ko. Palagi nilang nakikita napaka-perpekto naming magpamilya pero hindi nila alam dati ng may latak ang pamilya na ‘to simula pa nong ikasal sila. Naniniwala na ‘ko na may ilang babaeng nagpapakasal lang sa lalaki dahil may pera ito at mayaman. Ang layo rin ng agwat ng edad ni mama kay papa pero pinapakita nila sa lahat na ayos lang kami kahit hindi naman talaga. Simula pagkabata at sa paglaki ko palagi ko na lang naririnig ang ingay nila sa isa’t isa. Palagi ko na lang nalalaman na may iba na namang lalaking kasama si mama at humahabol pa rin papa. Gusto ko rin ng perpektong pamilya pero katulad ng sabi nila hindi lahat mapupunta s