Chapter 54 Hindi ko na mabilang ang araw, linggo at buwan na kasama ko si November. Hindi ko na rin mabilang kong ilang beses ko siyang nakitang umiyak, tumulong kila Kent at ngiti sa kanyang labi. Lahat ‘yon hindi ko makakalimutan. Katatapos lang ng birthday niya at masaya na ako kahit papaano nakasama ako sa importante niyang araw. Araw-araw lalong nadadagdagan ang mga alaalang naiiambag niya sa ‘kin. Hindi ko rin mabilang kong ilang beses ko rin pinilit na umamin sa kanya pero hindi ko pa rin magawa. Kahit hanggang ngayon na kaarawan niya na balak ko hindi ko man lang nasabi ‘yong totoo kong nararamdaman. Inabot ko lang ‘yong regalo ko sa kanya at ‘yon lang, pero kahit papaano masaya pa rin ako. Hindi ko lang alam kong nararamdaman din ba niya. Hindi ko rin gustong umasa kong ano ang