Renji's POV
Napatayo na lang ako sa kama ko ng marinig ang seren ng school halos mataranta naman ako dahil dito. Hindi to pinapatunog hanggat walang kalaban o di kaya-
"Nahuli na ata nila lolo ang traydor dito sa school" sabi ni Vinle habang nag aayos.
Alas singko pa lang ng umaga pero eto kami nagreready na para makalabas agad. Paglabaa namin sa kwarto ay nakita naming palabas na ng dorm ang girls kaya naman sumabay na kami sa kanila.
"Renji sa tingin mo good news o bad news? Use your wind!" Napailing na lang ako sa sinabi ni Maya.
Sa totoo lang hindi ako basta basta nagamit ng hangin sa pakikinig pero dahil si Maya ang nagrequest wala akong magagawa.
Pinakiramdaman ko ang paligid ko hanggang sa naririnig ko ang mga estudyante sa labas na nagtatakbuhan at nag uusap sa pagtataka. Pumunta ang pakikinig ko sa plaza kung nasaan nandoon ang lahat wala akong ibang narinig kundi mga tanong kaya naman pumunta ako I mean ang pakikinig ko sa backstage.
"Tama ba yang ginagawa mo Renji? Ang makinig sa usapan?" Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko. "Hindi mo dapat pangunahan ang mangyayari Renji isa pa maraming nagkakamali sa pakikinig lang. Makinig ka Renji hindi maganda ang pakikisama sa hangin. Maari ka nilang matunton at pakisabi din kay Maya na huwag pumunta sa nga demensyon masyadong delikado."
Sa hindi malamang dahilan parang mag tumulak sakin pabalik sa katawan ko kaya naman napaupo ako.
"Renji? Bad news ba?" Nakita ko ang pag aalala kay Maya.
Napailing naman ako at saka tumayo. Paano ko ba sasabihin sa kanila ang tungkol doon sa narinig ko? Imposible naman kasi na mangyari yun.
"Para kang timang jan Renji sabihin mo na kung ang narinig mo hindi yung pati kami pinapakaba mo" sabi naman ni Rika.
Tiningnan ko silang anim at tama nga si Rika kinakabahan nga sila kahit na hindi iyon bakas sa mukha nila alam ko at nararamdaman kong kinakabahan sila sa narinig ko.
Bahala na nga!
"Hindi naman yun bad news" saka ako yumuko. "Hindi ko alam kung paniniwalaan nyo ko-"
"Ano ba yang sinasabi mo?" Inis na sabi ni Chiaka "kung nagwoworry ka na baka di kami maniwala dont worry hindi naman kami gaya ng iba. Kaibigan mo kami at maniniwala kami kung ano ang narinig mo"
"Oo nga naman kuya wag kang nega"
"Bro gayahin mo na lang kami ni Vinle"
"Manahimik ka jan Jasper hindi kayo magandang halimbawa"
"Jaja naman"
Napangiti naman ako. Tama si Chiaka bakit nga naman hindi sila maniniwala eh alam na alam na nila ang kakayahan ko.
"Narinig ko sya" napatigil naman sila sa paghaharutan dahil paumpisa ko "Narinig ko si Miyu"
Para kaming nabato sa kinatatayuan namin dahil sa biglang lumakas ang hangin at nakita ko sa mata nila Chiaka, Jaja, Maya at Rika ang pangungulila kay Miyu.
"Jasper?" Sabi ni Jaja "Hindi mo ba nakikita si Miyu?" At umiling naman si Jasper.
"I see. Ayaw nya talaga magpakita satin" malungkot na sabi ni Maya.
"Tara na" yaya naman ni Rika at di na kami nagsalita pa.
Kasalanan ko to eh.
"Huwag mo sisihin ang sarili mo Renji hindi mo naman kasalanan na ayaw magpakita ng kaluluwa nya eh" nag nod naman ako.
Kakaunti na lang ang mga estudyante na nakakasabay namin papunta sa plaza ng school kaya naman good thing sa amin yun pero hindi pagdating doon dahil magkakagulo na naman sila.
At dahil kakaunti lang ang mga estudyante na nakakasabay namin nagagawa naming batiin sila pabalik. Hindi gaya pag magkukumpulan sila hindi na namin alam ang sasabihin namin.
"Anong sabi sayo ni Miyu?" Napatingin naman ako kay Maya at nakita kong napalingon samin ang mga kaibigan namin.
"Binalaan nya ko. Sabi nya huwag ko daw gamitin lagi ang hangin dahil baka matunton tayo at sabi nya pa na huwag ko daw payagan si Maya na umalis papuntang ibang dimensyon dahil masyado daw delikado"
"I see. Sa tingin ko hindi pa rin tayo kayang iwan ni Miyu" nakanhiting sabi ni Chiaka "We're useless without her anyway" malungkot nya pang dagdag.
Tama si Chiaka useless kami pag wala si Miyu. Walang nakakaalam sa amin kung kailan pwede maging careless, si Miyu lang. Sya lang ang may ganoong kakayahan thats why we cant let our guard down.
Pagdating namin sa plaza gaya ng inaasahan ko ay maraming estudyante ang nagsisigawan ng makita kami. Mukha ba kaming artista? Siguro kung gaya pa rin ako noon baka nagustuhan ko kaso hindi.
Hindi namin sila pinansin ni nginitian hindi namin ginawa dahil alam nila na cold kami sa lahat simula ng mamatay si Miyu. Inoccupy namin ang upuan namin sa harap at sakto naman sa paglabas nila lolo at lola and take note nakateenager look sila kaya naman mas lalong nagsilakasan ang sugawan ng mga estudyants.
"MAGANDANG UMAGA" paninimula ni Lolo January "IN BEHALF OF TWELVE PHANTOM AKO ANG MAGSASALITA KUNG BAKIT NAMIN KAYO PINATAWAG DITO. MARAHIL NAGTATAKA KAYO BUT WHAT YOU THINK IS WRONG. WALANG KALABAN NA AATAKE PERO MAY KALABAN TAYONG KASAMA. YOU GUYS KNEW THAT THERES A TRAITOR HERE RIGHT?" at nagsitanguan naman ang lahat.
"GREAT GOOD TO KNOW NA ALAM NYONG LAHAT. GUSTO NAMING SABIHIN NA ALAM NA NAMIN KUNG SINO YUN PERO HAHAYAAN NA MUNA NAMIN SYA SA NGAYON PERO ANG GALAW MO AY BABANTAYAN NAMIN" Katahimikan. Walang may gustong magsalita, lahat kami nasososoffucate sa aura nila lolo. "BUT THE GOOD NEWS IS THIS. WE ALL KNOWS THAT FORBIDDEN WORLD IS JUST A MYTH RIGHT?" At nag yes naman ang lahat "BUT ITS JUST FOR YOU GUYS. HUNDRED YEARS AGO WE FOUGHT CHASE PHANTOM AND ON THEIR SIDE THE QUEEN OF FORBIDDEND WORLD. AND NOW"
Yan ata yung kinuwento sa amin nila Makoto at Shana kagabi. Nasan na nga pala ang dalawang keeper na yun?
"THIS TIME HINDI NATIN SILA KALABAN. THEY WILL FIGHT WITH US" At malakas na sigawan ang narinig namin sa mga estudyante "KOROTSKI, FEI AND SHAO SHOW YOURSELF" At sa isang iglap nasa stage na sila. Hindi ko alam na may mas mabilis pa pala sa amin ni Rika. "SILANG TATLO ANG PERSONAL NA GUARD NG KASALUKUYANG REYNA AT SILA ANG MAGIGING KONEKSYON NATIN SA REYNA. MAY MGA TANONG BA KAYO?"
May tinawag si lolo pero hindi na namin tiningnan dahil magtatanong din naman sya.
"SINO PO ANG REYNA NG FORBIDDEN WORLD? ANO PONG PANGALAN NYA?" Halos lahat gustong malaman ang sagot ah.
Pati ako. Naglakad paharap si Shao at saka nagsalita.
"THATS FORBIDDEN. BAGO KAMI MAG UMPISA GUSTO MUNA NAMIN MALAMAN NYO KUNG ANO ANG BAWAL SA AMIN. FIRST AND LAST RULE SAYING OUR QUEEN'S NAME IS PROHIBITED KAYA WAG NYO NANG ALAMIN." Tapos ay bumalik na sya kila Korotski.
--
Seven na rin natapos ang meeting sa plaza kaya naman heto kami inaantok na naman.
"Excuse me?"
"Bakit Mina?" Tanong ni Vinle.
"Pinapatawag daw ang lahat ng special section sa office ng Twelve Phantom." Sabi nya at yumuko.
"Tara" yaya ni Jaja at ikinawit ang kamay nya sa braso ni Mina.
Napailing na lang kami. I guess gusto nya talaga maging kaibigan si Mina at kahit naghihinala ako sa dalawang to, kay Mina at Naomi ay wala akong magagawa mukhang close na nila Maya silang dalawa eh.
"Just what happened?" Takang tanong ni Jasper at nagkibit balikat naman ako.
"Parang noong nakaraan lang ay halos pagchismisan na nila tapos ngayon"
"Renji hinaan mo ang boses mo!" Sabi naman ni Vinle at napatingin samin ang girls at sinamaan kami ng tingin napatingin naman ako sa kaliwa ko.
Nakakatakot.