Maya's POV>
Tahimik lang kami habang papunta sa office nila lolo at lola pero itong si Jaja at si Naomi kanina pa nagtatalo kung sino daw ang mas maganda halos mapasapo na ako sa noo dahil sa kaingayan ng dalawang to wala man lang nagsasaway sa kanilang dalawa dahil gustong gusto din ng mga kaibigan ko ang nakikita nilang asara.
No hard feelings din naman ang asaran nilang dalawa kaya hindi din naman namin sinasaway pero agad din silang natahimik ng makarating kami sa office nila lolo at lola nakakasoffucate talaga ang aura nila kung hindi sila close.
"Mabuti naman at nakarating na kayo aalis muna kami si January na ang bahala sa inyo ngayon" tapos bigla na lang nawala sila lola February at naiwan si lolo January.
"May kailangan lang silang asikasuhin" sabi ni lolo January at naupo "Umayos na kayo at may sasabihin ako" at naupo naman kami. "Uunahin ko sayo Maya" napatingin silang lahat sakin kaya naman napataas ang kilay ko "Lingid sa kaalaman namin ang pagpunta mo sa iba't ibang dimensyon alam mo bang delikado ito?"
"Excuse me lo? alam po ni lola Feb at lola July ang tungkol sa pagtravel ko sa ibang dimensyon" sagot ko.
"Ang dalawang yun napakakonsintedor"
Napailing naman sila Renji dahil sa sinabi ko. Aba mga to akala naman nila hindi nila alam ang ginawa kong pag punta sa ibang dimensyon eh nagpapaalam naman ako sa kanila bago ako umalis.
"Ah um" napatingin naman kaming lahat kay Mina na syang sumira ng katahimikan. "Hindi pa po ba tayo magsisimula?"
Napangiti ako. Kung noong una nagdadalawang isip pa kami para makipag kaibigan sa kanila ni Naomi ngayon hindi na. Noong isang araw nakasama namin silang dalawa and they're not that bad like what we though to them. Madali namin silang nakagaanan ng loob sabi nga nila hindi nga dapat talaga manghusga.
"Ah yeah sorry about that. Kasali talaga yun" tapos tumingin ulit si lolo January sakin "Sa ngayon Maya hindi ka muna pwedeng pumunta sa ibang dimensyon dahil sa mapanganib ngayon naiintindihan mo ba?" na nod naman ako sa sinabi nya.
Sa totoo lang totoo naman eh alam ko namang mapanganib ngayon magtravel sa ibang dimensyon dahil sa nalalapit na digmaan but I can't help it, I want to see her again.
Yes I have my own purpose kung bakit ako napunta sa ibang dimensyon yun ay para makita sya ulit pero halos lahat ata ng dimensyon napuntahan ko na pero hindi ko pa rin sya makita samantalang ang kami sa ibang dimensyon nakita ko na.
I felt disappointed. Parang iisa lang sya sa mundo namin at sa ibang mundo.
"May problema ba Maya?" napatingin ako kay Renji saka ako ngumiti at umiling.
"Makinig kayong lahat sa digmaang ito kailangan natin mas lalong maging maingat dahil sa hindi tayo lahat ready para dito. Nalalapit na ang digmaan pero hindi lang naman bad news ang dala ko" tapos may inabot sya kay Chiaka at agad naman nya itong tinanggap "Yan ang magiging activities ngayon dito sa school"
Napatingin kaming lahat sa pinto ng may marinig kaming kumatok at saka iniluwa papasok ang tatlong lalaki. They same guys we met last night.
"Good thing nandito na kayo" sabi ni lolo.
"Shaao"
Napataas naman ang kilay namin ng bigla na lang dumamba si Shana kay Shao na akala mo ay magkasintahan. Ew. Natawa naman si Makoto sa expression namin kaya napatingin samin si Shana at nag pout.
"Bakit ganyan ang expression nyo?" tanong ni Shana samin.
"Somehow I feel like it doesn't suit you I mean yakapin si Shao makes me feel" then nag shiver pa si Jaja kaya natawa kami.
"Meanie" sabi naman ni Naomi.
"Naman pinagmanahan mo eh hahaha"
Napabuntong hininga naman si lolo dahil sa nawala na sa pinaka topic ang naging topic ng grupo namin, hindi pa ba sya sanay? Dapat masanay na sya dahil ganito na lang naman lagi ang nangyayari eh. Laging nauuwi sa asaran ang meeting namin kaya in the end wala kaming natatapos.
"Pwedeng umpisahan na?"
"Masyado kang hot Korotski" sabi naman ni Shana at tumabi kay Shao "Anyway I will be the one who will introduce them." dagdag nya pa.
"Sino nagsabi?" tanong naman ni lolo.
"Ako po" nakangiti nya pang sabi kaya napasapo na lang kami sa noo at napabuntong hininga na lang si lolo January.
"Okay" tapost tinuon nya na ang pansin nya sa folder na hawak nya.
"First this is Fei. Sya ang pinaka pinagkakatiwalaang magician ng Reyna ng Forbidden World simula pa noon" pagpapakilala ni Shana doon sa lalaking blonde ang buhok.
"Bakit kapag binabanggit ang Forbidden World feeling ko nanginginig ako sa takot?" tanong ni Vinle at saka bumuntong hininga "This isn't me at all ang matakot sa salita"
"Same here" sabi naman ni Chiaka.
"Mamaya sasabihin kung bakit pero ngayon please patapusin nyo na muna ako sa pagpapakilala sa kanila"
"Paano ka ba naman kasi matatapos pinapahaba mo pa pwede namang pangalan na lang namin"
"Shut up Korotski. Anyway sya naman si Korotski ang pinaka malakas na mandirigma sa Forbidden World. Sya ang personal na mandirigma ng Mahal na Reyna dahil sya lang naman ang may kakayahan na protektahan sya maliban sa dalawang to at isa pa sya nga pala ang kapatid ni Makoto"
Silence....
Isang mahabang katahimikan ang nangyari sa amin bago kami makapagreact at napabuntong hininga naman si Makoto. Nakailang buntong hininga na ba ang mga tao ngayon? Ay mali hindi nga pala kami normal na tao, super human nga pala kami sa tingin nila.
"Bakit kailangan mo pang sabihin na kapatid ko sya?"
"Bakit ayaw mo ba?"
"Hindi naman kasi kailangan"
"Pati ikaw Korotski?"
"Wag ka na magdrama jan tapusin mo na ang papakilala samin"
"Ay ay sorry na Shao. At ito naman ang mahal kong bunsong kapatid si Shao"
Another silence.
"Wait lang ah" sabi naman ni Chiaka saka sya tumayo. "Silang dalawa lang ba ang may kapatid dito? Baka may gusto pa kayong ireveal sabihin nyo na ngayon pa lang para isang bagsakan lang sa utak namin"
"Oo nga nakakatanga tong mga nalalaman namin ah" sabat naman ni Jaja.
"Actual pamangkin ako ni tito January" sabi naman ni Fei.
And that's it. Sabot na ang utak.
"Hoy Maya okay ka lang?" tanong ni Renji sakin at nag nod naman ako.
"Direct to the topic na tayo tutal tapos na sila ipakilala." sabi naman ni Rika at nag pout si Shana pero wala na rin namang nagawa.
"Nandito kami para tulungan kayo sa digmaan ninyo laban sa Chase Phantom at ito rin ang inutos samin ng Mahal naming Reyna kaya kami naririto sa ngayon" sabi ni Shao.
"At tungkol naman sa traydor sinabi sa amin ng Reyna kung sino sya kaya naman nasapangangalaga na namin sya" sabat naman ni Fei
"Hindi pala basta basta ang mga bata ngayon" dagdag naman ni Korotski.
"Nahirapan kaming hulihin sya dahil sobrang maingat sya pero good thing na galing kami sa Forbidden World at may ilang spell na hindi nyo pwedeng gawin na pwede namin kaya naman naitago namin ang kakayahan at presensya namin kaya namin sya nahuli" sabi pa ni Shao.
Nakakapagtaka naman kung may makakapasok dito na ganoon dahil sa pagpasok pa lang sa gate madedetect na kaagad kung merong masamang balak ang isang tao kahit na itago pa nya ito. Iyon ang isa sa kapangyarihan ni lola May kaya imposibleng pumalya yun.
"Sino ba sya?" tanong ko at napatingin sya sakin. Teka may naalala ako. "May naalala ako. Sabi sakin ng ako sa hinaharap mag iingat tayong lahat dahil malapit lang sa atin ang traydor. Bagama't wala daw ito sa Special Class pero nasa higher class sila."
"Sila?"
"Oo Fei sila ang sabi sakin"
"Kung ganoon maaring may kasama pa silang dalawa" sabi pa ni Korotski.
"Ano pa bang nalalaman mo?" tanong ni lolo sakin at umiling ako.
"Wala na lo yun lang"
"Mas okay kung hindi mo dapat pakialaman ang future Maya alam mo naman na sa inyong mga time traveler ay may kaakibat itong problema hindi ba?" nag nod naman ako, oo alam ko yun.
"Sino nga kasi yun lo?" tanong naman ni Rika.
"Ichinose at Nanami ng First class A" sagot naman ni Chiaka. "Base sa nalalaman ko sa kanilang dalawa sila ang top student sa Class A at ang pamilya ni Ichinose ay kasali sa pinaka mayayamang pamilya samantalang si Nanami naman ay kabaliktaran ngunit matalik silang magkaibigan"
"As I expect from Chiaka" nakangiting sabi ko.
"Kausapin natin silang dalawa" sabi ni Jasper.
Napatigil kaming lahat ng tumayo si Jasper pero agad din namang napabalik sa upuan at nakita naming nakapikit sya pero ng idilat nya ang mata nya iba na ang kulay nito, isa lang ibig sabihin nito may sumanib sa kanya.