DAN'S POV " nakalaya na siya.. " seryosong sabi ng babaeng nasa harapan ko. Nalapulang bistida siya na hapit na hapit sa katawan niya. " nakita ko siya ng sumakay ako ng taxi. Siya ang driver. Pakiramdam ko binabalikan niya tayo. Pakiramdam ko minamanmanan niya tayo. " dagdag niya. Mabilis na kumabog ang dibdib ko. " kei and vince.. Nandyan sila para sayo. Matutulungan ka nila. Marami silang connection kaya ramdam kong di ka nila pababayaan. " pang-aalo niya sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag. " ate! Ate! " yugyog at tawag sa akin ng isang bosses. Pupungas-pungas akong dumilat. " hmmm?? " " magpahinga ka na. Maya-maya e nandyan na yung mga pulis para hingan ka ng testimonya. " gising sa akin ng kapatid kong si bryan. Marahan akong tumango. Bibiling sana ako n