Amanda’s POV Ilang minuto ang lumipas at nababalot lang kami ng katahimikan rito sa may table namin. Hindi rin kasi magawang magsalita ni Mika, maging si Jeff. Maging ako ay iniiwasan itong kausapin dahil pawang kinakabahan ako na posibleng may makahalata saaming dalawa. Maging si Piolo na siyang bumalik at umupo sa ibang upuan ay tahimik lang. Mukhang hindi rin nila inaasahan ang biglang pagpunta ni Kaiden rito. Binasa ko ang nanunuyo kong lalamunan at napatingin nalang sa oras. Halos kinse minutos nalang ang nalalabi para sa lunch time. Tumingin ako kay Kaiden na nasa harapan ko. Walang ekspresyon ang mukha nito at tahimik lang na ngayon ay nakatingin na sa phone nito na pawang may kinakalikot. Pabuka palang ang bibig ko para magsalita at agawin ang atensyon nito upang basagin ang k

