Amanda’s POV Wala akong karapatang magalit kay Kaiden dahil alam kong gusto lang niyang alisin sa trabaho si Lany ng dahil sa’kin. Ang ikinaiinis ko lang ay dahil ayaw man lang ako nitong pakinggan. Kaya naman itinuon ko nalang ang atensyon ko sa trabaho ko. Ilang minuto lang nang mapawi ang inis na nararamdaman ko ngunit napalitan ito ng pangamba... Paano nalang kung mawalan nga ng trabaho si Lany? Mukhang hindi pa naman ito ang klase ng tao na umuurong nalang basta-basta. Baka ako pa ang guluhin niya kapag nagkataon. Gusto ko lang ng tahimik na buhay, kaya nga hindi ko ito pinapatulan noon pa. Sana man lang ay pakinggan ako ni Kaiden. Sa nalalabing oras ng trabaho ay iyon lamang ang umikot sa isipan ko, pero mabuti nalang at natapos ko naman ang ginagawa ko para sa araw. Tumayo

