Amanda’s POV “Kaiden...” Pabugang hanging na sambit ko habang nakatitig sakaniya ng hindi makapaniwala hanggang sa mapailing nalang ako. “Hindi ko alam kung matutuwa ako, matatawa o maiinis. Although, I really appreciate it but money is the last thing I want from you. Take it back.” Mahinahong pagsasalita ko. Seryoso lang itong nakatitig saakin nang umiling lang ito, “I never take back what I give. It’s already yours now.” Napaseryoso ang mukha ko sa sinabi nito. “Hindi ko matatanggap ang ganito kalaking pera, at mas lalong ayaw kong tumanggap ng ganito kalaking pera mula sa’yo, ng dahil sa ano? Regalo? Binigay mo ‘to saakin dahil gusto mo lang? Kaiden, I’m aware how rich you are, pero hindi rin basta-basta itong pera. Take it back.” Muling mahinahon ngunit seryoso sambit ko. “F

