Amanda's POV "Hindi ako sigurado kung makukumbinsi ko pa nga ba si Belen pero gagawin ko ang makakaya ko." Ngumiti nalang ako. Magnus ang Zues smiled back at me. Napadako naman ang tingin ko kay Kaiden na nakatitig pala saakin at nang magtama ang paningin namin ay bigla itong umiwas ng tingin. Pinagpatuloy lang nila ang pag-uusap at ako ay tahimik lang na nakikinig. Ilang saglit ang lumipas ay mukhang matapos na sila hanggang sa biglang may tumawag kay Magnus na kaagad rin naman nitong sinagot. "Hello?" Nakatingin lang ako rito habang sina Zues at Kaiden ay may sarili nang pinag-uusapan. "Whaat?" Maging ako ay napakunot noo nang makita kong nangunot ang noo ni Magnus at tila tumaas ang boses nito. Kunot noong napasulyap ito saamin. "Alright, I'm coming." Ani nito. Para akong ki

