WALA akong matinong tulog. Hindi nga talaga tumigil si Caleb sa kakapisil ng dibdib ko hanggang hindi lumalim ang tulog nito. Bandang madaling araw lang siya humiwalay sa akin. Pero sa oras na naalimpungatan ay ako agad ang kinakapa niya sa kama. Niyayakap na naman ng mahigpit. Kaya imbes na tulog na ko ay nagigising ulit. Hanggang kailan ba ako ganito. May mga susunod pa at kaya ko pa bang pigilan ang sarili ko sa kanya? Huwag na huwag kang magpapahawak sa lalaki! Nakakabuntis 'yon, Vera! Diyan nagsisimula ang lahat! Napapikit ako ng mariin na tila naririnig ko pa ang boses na iyon ni Mama. Kung alam mo lang, Ma. Higit pa sa hawak kamay ang ginawa ng lalaking ito sa akin. Ngayon pa lang nag-so-sorry na ko dahil wala akong ginawa. Wala akong nagawa. Hanggang sa nag-umaga na. Naramdama