KANINA pa ako hindi mapakali sa kama. Hihiga pero mamaya babangon. Sa kabilang side hihiga. Lilipat ulit sa kabila. Paulit-ulit kong iniisip kung saan akong parte ng kama matutulog. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat gawin. Simpleng bagay lang naman pero komplikado para sa akin. Sinabunutan ko ang sarili sa sobrang inis. Nagpa-panic ako. Sa totoo lang kung saan-saan na napupunta ang mga iniisip ko. Dahil sa ginagawa kong ito panay tuloy ang kalabog ng puso ko sa kaba. Iniisip ko kung paano kaya si Aloe at si Caleb kapag natutulog? Paano 'yan kung may nangyayari pala sa kanila?! Hindi ko kaya iyong gawin! Mahihimatay ata ako! "Dapat kasi pinilit mo na lang ulit na sabihin sa kanya na hindi ikaw si Aloe! Ayan naiipit ka tuloy sa ganitong sitwasyon! Ang tanga-tanga naman!" bulong ko saba