BINUKSAN ni Caleb ang pinto matapos umusog ng tauhan niya at tumabi sa gilid. Iritado na si Caleb pero ng humarap sa akin ay nawala din ang salubong na kilay nito. "Anong nangyayari? Bababa ba ako?" tanong ko sabay tingin sa Mommy ni Caleb na naka-halukipkip at nakatingin sa amin. Tila naiiinip. Bumuntong-hininga si Caleb. Hinawakan ang kamay ko. "Mom is eager to see and talk to you. If you're not comfortable, you can stay here." Umiling ako. Ngayon na unti-unti nagiging okay na sa side ko. Siguro panahon naman na sa kanya naman ang ayusin namin. "Vera..." anas niya. Bakas sa mukha ni Caleb ang pagdadalawang-isip. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon. "Nandito na tayo kaya harapin ko na din siya. Gusto din naman niya pala akong makausap," sabi ko. Inilabas ko na ang paa ko s