KABANATA 40

2356 Words

IMBES na tumulong ako kay Mama sa pagtitinda ay hindi ko na nagawa. Nawalan ako ng gana. Ayoko din naman niyang mahalata na matamlay ako at may pinoproblema. Kukulitin lang ako ‘non hanggat sa masabi ko na ang tungkol sa Mommy ni Caleb. Umalis kami ni Caleb at nagtungo sa Tagaytay. Duon na namin balak mag-tanghalian. Pinili niya na gumala kami kaysa sa magmukmok sa bahay. Nakikita ko naman na nagsisikap siya na pasiyahin ako… na ma-divert ang atensyon ko. Hindi naman siya nabigo dahil saglit kong nakalimutan ang nangyari kanina. Tuwang tuwa ako ng inalis ni Caleb ang bubong ng sasakyan niya. Ang galing! Parang sa pelikula ko lang ito nakikita tapos ngayon nararanasan ko na! Ngiting-ngiti si Caleb habang sinusulyapan ako. Tinaas ko ang aking dalawang kamay. Gusto kong maging masaya at wa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD