KABANATA 41

2040 Words

WALA na kaming tinatago sa isa't-isa. Malinis na ang konsensya ko at open naman si Caleb na sa bahay namin. Matapos ang araw na iyon na nagpunta kami sa Tagaytay ay halos sa amin na siya mag-stay. Maaga pa lang nasa bahay na at late na din umuuwi sa gabi. Ganunpaman, hindi siya pinapayagan pa din ni Mama na matulog sa bahay kahit na alam naman ng lahat na buntis ako at si Caleb ang Tatay. Hindi ko pa din nababangit kay Mama ang tungkol sa magulang ni Caleb. "Anong plano niyong dalawa?" tanong ni Mama habang nasa harap kami ng lamesa. Kumakain ng almusal na luto pa ni Caleb para sa lahat. Napabaling ako kay Mama na nakatingin sa aming dalawa. Kumunot ang noo ko. Nakuha ni Mama na hindi ko siya naintindihan kaya nagsalita muli ito. "Anong plano niyo. Hindi ba kayo magpapakasal?" inosente

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD