GUMAAN ang aking pakiramdam. Iyong takot at kaba kanina biglang naglaho ng parang bula ng makita ko ang mga ngiti niya. Kung paano ang itsura nito na naaliw habang pinagmamasdana ko ay tila ba perpekto. Binagsak ko ang tingin sa sahig. Hinawakan ko ang aking dibdib.
Bakit ganito? Ang lakas ng t***k ng puso ko. Alam kong hindi pwede. Bawal. Hindi ito tama.
Pumili ka ng iba at matino, Vera!
Napakurap-kurap ako. Posible bang mangyari sa akin ito? Kanina ko lang siya lubusang nakausap at nakasama ng matagal. Bakit ganito katindi ang paghuhurumentado ng puso ko?
Napatingin muli ako sa taas at nahuli ko siyang nakatitig ulit sa akin. May multo ng ngiti sa gilid ng labi. Umiwas ako ng tingin at wala sa sariling naglakad. Hindi matanggal sa utak ko iyong ngiti niya. Kung paano ka-aliwalas ng mukha nito. Ilang araw na siyang nasa isip ko. Mas lalo ata akong hindi patutulugin nito dahil ngayon kasama ko na siya sa bahay na 'to.
Natigilan ako. Puro pinto ang tumambad sa akin. Lumingon ako at hindi ko na alam kung saan ako nanggagaling. Sa sobrang okupado ng utak ko at nawala ako saglit sa sarili. Hindi ko na namalayan kung saan na ko napadpad.
I bit my lower lip. Binuksan ko ang wooden door sa kanan. Tumambad sa akin ang sikat ng araw. Napa-awang ang bibig ko sa ganda at laki ng pool! Mahilig ako sa tubig. Natuto akong lumangoy ng dahil sa mga pinsan ko na nagtuturo sa akin sa tuwing may outing kami noong bata ako. Ilang beses kaming nagpunta sa dagat. Ngayon hindi ko na alam kung marunong pa ba ako.
Nagsi-lipat na kasi sila sa Cavite at hindi na kami nagkita-kita pa. Kapag may okasyon na lang tulad ng pasko at new year. Nagbabaksyon kami doon. Kaya nga napili naming tumira sa Cavite na lang din kung saan malapit sa mga kamag-anak nila Mama.
"Do you want to swim?"
Napapitlag ako sa baritonong boses na iyon. Agad ko siyang nilingon. Nakapamulsa lang ito habang nakatingin sa akin. Wala na ang mapang-asar nitong mga tingin at ngiti.
Agad akong bumaling sa pool. Para akong tinatawag ng tubig. Hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso ako sa gilid ng pool. Umupo doon at tumitig sa tubig.
Ilang oras pa lang ako dito pero medyo nawala na ang takot ko sa kanya at sa kung anong mangyayari sa akin. Pakiramdam ko wala naman siyang balak na saktan talaga ako. Ang problema lang hindi niya ako paalisin dito.
Kailangan kong mag-isip ng paraan. Para makauwi ako agad sa amin. Hindi ko kailangan ng dahas dahil mukhang patay na patay naman siya sa kambal ko. Isa pa, hindi ko din kayang tumakas dahil may mga tauhan pala siya. Iyon siguro ang mga dumating kanina. Bukod pa doon, may mga naglalakihang aso. Baka sa kalagitnaan ng pagtakas ko ay magulat na lang ako sa galit ng mga aso sa akin. Nilapa na ako ng buhay.
Sa ngayon, aayon ako. Wala akong magagawa. Mapapagod lang ako at masasaktan. Kaya dapat kong pag-isipan ang aking bawat hakbang. Kailangan kong tiisin si Mama. Ayoko munang isipin na baka halos hindi na siya kumakain sa kaka-hanap sa akin. Kumukirot ang puso ko sa tuwing naalala ko siya.
Hinihiling ko na lang na mahanap niya ako o ng mga pulis. O, kung mahahanap pa nila ako. Hindi ko alam kung gaano kayaman ang lalaking ito ni Aloe. Kung kaya ba niyang pagtakpan ang ginawa nitong pag-kidnap sa akin o sa mga susunod na araw mahuhuli na din siya.
Mahirap lang kami ni Mama. Kung ang kalaban ng Mama ko sa paghahanap sa akin ay makapangyarihan. Tiyak na hindi niya na ko makikita kailanman.
"Thinking of ways to get out of here, huh?" puno ng sarkasmo ang tono ng boses niya.
Nanatili lang ako sa aking pwesto. Gusto kong itatak sa isip ko na hindi ako dito magtatagal. Hindi ko kailangan na makipag-usap sa kanya. Hindi naman ako ang kambal ko. Nilinaw ko na iyan sa kanya. Kailan kaya ito maniniwala sa sinasabi ko?
"C'mon, if you want to swim. Feel free do it," anito na nakalapit na sa akin. Dinudungaw ako.
Nanatili akong tahimik. I want to be alone. Andaming gumugulo sa isip ko. Nasaan na ba kasi si Aloe? Sana magpakita na siya o di kaya magtagpo landas nila ng lalaking 'to para makauwi na ko.
Bumuntong-hininga ito ng walang mapalang sagot sa akin. Sinundan ko lang ng tingin ang yabag nitong papalayo sa akin.
Hinubad ko ang suot na flats. Binabad ko sa tubig ang aking mga paa habang nagiisip.
Paano kung kunin ko loob niya? Mali ata na hindi ko siya pinapansin. Dapat ba umayon ako at kapag nakuha ko ang loob niya baka pumayag itong ilabas ako. O, baka nga magkusa na ito na lumabas kami. Tapos tsaka ako hihingi ng tulong. O, di kaya tatakas ako.
Magagawa ko na siguro iyon dahil nasa labas na ako. Pero susubukan ko munang hanapin ang mga gamit ko. Pinasadahan ko ang labas ng bahay. Sobrang laki. Ang daming kwarto. Saan ko naman sisimulang hanapin ang gamit ko?
Kanina pinasadahan ko ang sala niya. Wala akong teleponong nakita. Malamang, tinago niya. Pumikit ako ng mariin habang pinapakiramdaman ang lamig ng tubig sa aking mga paa.
Paano kung magpaayon ako sa kanya tapos ako din ang talo sa huli?
Attracted ako sa kanya. Iyong kanina nga nadala ako. Paano na lang kung nagpatuloy ako sa plano kong ito?
Baka magiging luhaan ako sa huli?
Pero wala akong choice. Kailangan kong maging mabait sa kanya at sumunod sa gusto nito para makuha ko ang loob niya at makalabas na ako. Siguro kailangan ko lang na higpitan at paalalahanan ang sarili. Wala namang patutungahan ang pagka-gusto ko sa kanya. Isa pa, umpisa pa lang ay mali na ito.
"Ako na lang kung ayaw mo."
Napamulat ako ng magsalita ito. Napatitig ako sa asul niyang mga mata na ngayon ay nangaakit na naman. Ngumisi siya sa akin. Nasa kabilang side siya ng pool. Sa harap ko. Sa sobrang okupado ng utak ko sa kung paano makaka-alis dito ay hindi ko na napansin ang pagbalik niya.
Nahigit ko ang aking hininga at nanlaki ang mga mata. Nagsalubong ang aking kilay ng makitang hinubad nito ang pang-itaas na suot! Tumambad sa aking ang matipuno nitong katawan!
"B-bakit ka naghuhubad?!" gigil kong sabi. Nagpatuloy ito at binabaklas na ang sinturong suot nito.
Pumikit ako ng mariin. Narinig ko ang halakhak nito. Para bang nagsi-awitan ang anghel sa langit dahil sa mga tawang iyon. Bakit ang sarap sa pandinig?
"What am I supposed to do? Swim with my clothes on?" sarkastiko nitong tanong.
Hindi iyon ang ibig kong sabihin pero dahil nataranta na ako ay iba tuloy ang naging dating. Hindi pa ko nakakita ng hubad na katawan ng isang lalaki. Ibig kong sabihin ay sa personal.
Sa oras na malaman ni Mama lahat ng ito. Hindi ko alam kung anong gagawin niya sa akin.
Narinig ko ang paglusong nito sa tubig. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Kung maririnig lang ito ng lalaking iyon kung gaano naghuhurumentado ang puso ko ay baka kanina pa ako napahiya. Idinilat ko ang mga mata. Balak ko na sanang umalis pero na-amaze ako kung gaano siya kagaling lumangoy. Para akong nanunuod sa labanan ng mgagaling na swimmers.
Napatili ako ng umahon siya sa harap ko at hinawakan nito ang aking binti. Sa bilis ng kilos nito ay nakuha niya ang isa kong kamay at hinatak ako papunta sa tubig.
Kung may mga ibon lang ay malamang nagliparan na sa lakas ng tili ko. Marunong akong lumangoy pero sa mababaw lang. Ibig sabihin hindi ako bihasa na tulad nito! Hindi ko akalain na malalim ang pool niya at ng hindi makapa ng paa ko ang tubig ay nagpanic ako. Agad nitong pinulupot ang braso nito sa aking beywang at iniahon.
Habol-habol ko ang aking hininga. Umubo ako habang todo ang kapit ko sa leeg niya. Maluha-luha ako sa patuloy na pag-uubo.
"I'm sorry. Nagulat kita," bulong niya sa aking tainga.
Panay ang hagod nito sa aking likod. Hindi ako makasagot. Hinahabol ko pa din ang aking hininga. Nanatili siya na nakahawak sa aking beywang.
"I'm sorry," ulit niya.
Hindi na ako umuubo pero malalim pa din ang aking paghinga.
"Hindi ba marunong mag-swimming si Aloe?" mahina kong tanong.
"Ikaw si Aloe," pagdidiin nito.
Nilayo ko ang mukha ko sa kanya pero nanatiling nakakawit ang braso ko sa leeg niya.
"Hindi ako siya," matigas kong sabi. Tinitigan ko siya sa mga mata.
Mabilis ang pagbago ng anyo nito. Muli na namang nagdilim at mukhang napipikon na sa akin.
"Isa pa bibitiwan kita dito," walang kangiti-ngiti nitong sabi.
Nagsalubong ang kilay ko. Binabantaan ba ko nito? Kung malakas siya magsalita ng ganyan. Ibig sabihin alam niyang hindi marunong si Aloe pero bakit niya ako hinila sa tubig!
Nanadya ata itong lalaking 'to.
Inatake ako ng kaba ng umalis ang mga kamay nito sa aking beywang at napunta sa aking leeg. Buong akala ko ay babaklasin niya iyon at hahayaan niya akong lumubog sa tubig. Laking gulat ko ng mahigpit niya iyong hinawakan at agad na lumubog kami sa tubig!
Mabilis akong pumikit ng mariin at pigil ang hininga para hindi makasinghot o inom ng tubig. Hindi pa ko nakakabawi ay inatake niya na ako ng halik!
Nanlaki ang aking mga mata. Nagpumilit ito na ipasok ang kanyang dila. Panay ang kawag ng aking mga paa. Hindi ko maalis ang aking mga kamay sa leeg nito dahil takot akong malunod. Nanatiling tikom ang aking bibig. Ngumisi ito. Ang klase ng ngiti niya na kinakabahan na naman ako.
Inalis nito ang kamay niyang nasa kamay ko din. Hinawakan niya ang aking beywang at ang isang kamay nito ay naglandas paakyat na sa aking dibdib! Nanlaki ang aking mga mata. Bukod sa naaubusan na ako ng hangin. Mas mamatay ata ako ng maaga sa ginagawa niya sa akin sa ilalim ng tubig!
Pilit akong umaahon paakyat pero pinigilan niya ang aking beywang. Umiling-iling ako at bakas sa mukha ko ang disgusto. Nilapit nito ang katawan sa akin at diniin. Napaawang ang bibig ko ng pisilin nito ang aking dibdib!
Nakapasok ang tubig sa aking bibig pero hindi iyon nagtagal dahil sinamantala nito iyon para mahalikan ako sa mga labi. Namilog ang aking mga mata sa pagkabigla. Kasabay niyon ay umangat kami sa tubig. Pinakawalan niya ang labi ko at isinampa niya ako sa gilid ng pool habang hindi na naman maawat ang aking sarili sa kaka-ubo.
Papatayin talaga ako ng lalaking ito!
Panay ang tapik ko sa aking dibdib. Nabigla kasi ang pag-inom ko ng tubig. Naroon lang ang lalaki sa aking tabi habang ang katawan nito ay nakababad pa rin sa pool. Pinagmamasdan ako.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Papatayin mo ba ko?!" gigil kong sabi. Hindi ko na maalala kung kailan ba ako huling nagalit. Pero nag-uumapaw ata ang emosyon ko at gusto ko siyang saktan sa mga oras na 'to.
Ngumisi lang ito. Hindi siya mukhang nag-so-sorry sa ginawa. Natutuwa pa siya! Paano niya nagagawang ngumiti ng ganyan samantalang may taong nahihirapan!
"Ang sama ng ugali mo! Kaya ka siguro iniwan ng kapatid ko kasi pangit ugali mo!" walang-habas kong sinabi. Napikon ako sa ginawa niya. Feeling ko talaga gusto niya akong lunurin. Ayoko pa naman ng inaasar ako lalo na ganoong klase ng biro? Hindi katanggap-tanggap para sa akin.
Tinaasan ako nito ng kilay.
"Isa pang maling salita. Ihuhulog kita sa tubig. Pikon na pikon na ko sa'yo," sabi niya at umahon mula sa pool. Sinundan ko siya ng tingin.
Nakakunot ang aking noo pero halata pa rin sa akin ang galit. Bakit siya nagagalit, e sinasabi ko lang ang totoo. Isa pa talaga namang hindi ako si Aloe.
Hindi ko tuloy alam kung kaya ko ba talagang umayon o magpanggap na lang ako dahil hindi naman ako ganoong klaseng tao. Ayoko sa lahat ang mangloko ng kapwa. Kaso itong lalaking ito kaya naman pala akong saktan. Akala ko hindi dahil nga mahal niya ang kambal ko. Nagkamali ako. Hindi sapat iyon para hindi niya gawin ito.
Senyales na ba na dapat ko ng ituloy ang naisip ko kanina?
Hayaan ko na lang ba siya sa paniniwala niya? Para naman maging mabait siya sa akin at makaalis na ko sa bahay niya.