NAGISING ako dahil umangat ang mga paa ko sa lupa. Mukha ni Caleb ang tumambad sa akin. Gumalaw ako kaya nagsalita ito. "Stop moving..." anas niya. Natigilan ako at pinahinga ang ulo ko sa dibdib niya. Nakasuit pa si Caleb. Obvious na kau-uwi lang galing sa opisina. Kanina ko pa siya hinihintay. Nauna na akong kumain ng dinner at nakatulugan ko na ang paga-antay sa living room. "Anong oras na?" paos kong sabi habang ipinipikit na ang mga mata. Inaantok pa din. "11 PM. I'm sorry, I'm late. Madami akong tinapos sa opisina. Isang buwan akong leave at maraming problema. Tumawag ako sa telepono kanina kaso walang sumasagot. Tulog ka na siguro 'nun. Hindi ko akalain na male-late ako ng uwi," mahabang paliwanag nito habang naglalakad na papunta sa masters bedroom. Umungol lang ako bilang tug