AKALA ko biro lang niya iyon pero hindi. Umuwi ng maaga si Caleb at balak niya ng sa bahay na lang tapusin ang kanyang trabaho. Hindi nangyari ang sinabi nitong alas-siete siya uuwi. Dahil wala pang alas-sais nasa bahay na siya. "Bakit mo naman inu--hmmmn!" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ng pagbukas ko pa lang ng pinto ay sinunggaban niya na ako ng halik. Hinawakan ako ni Caleb sa magkabilang pisngi. Napaurong ako ng maglakad ito papasok. Narinig ko ang pag-lock ng pinto. Ipinikit ko ang mga mata at ikinawit ang aking braso ko sa leeg niya. Sinuklian ko ng parehong intesidad ang mga halik niya. Naramdaman ko sa likod ang sofa. Sinubukan kong dumilat. Namimigat na ang talukap ng aking mga mata ng mapansing kong nilapag ni Caleb ang attache case niya sa sofa habang pikit pa din ang mg