MABILIS umalis sa ibabaw ko si Caleb. Dinilat ko agad ang mga mata at sinubukang umupo sa kama. Dumaing ako sa kirot na mula sa aking ibaba. Bakas man sa mukha ko ang sakit ay pinilit kong kausapin siya ng maayos. Awang ang bibig ni Caleb habang pinagmamasdan ako. Halata sa mga mata niya na gulong-gulo ito. Pinagtabi ko ang aking mga binti. Nagmamadali nitong kinuha ang shorts ko at damit at hinagis sa kama. Maging ang pantalon nito ay kinuha niya at sinuot agad kasabay ng malulutong na mura. Nag-iinit agad ang sulok ng aking mga mata. Nanginginig ako habang kinukuha ko ang aking mga damit. Tahimik kong sinuot ang aking blouse pero ang shorts ay hindi ko maisuot dahil sa dugo na sa pagitan ng aking hita. "Holy f**k!" Napatingin ako kay Caleb na napahilamos sa sarili habang tinitigna