PUMUNTA ako sa gilid. Sa madilim na parte sa bahay. Kinalma ko ang sarili pero na-realize ko imposibleng titigil ang mga luha kong ito. Kinakagat na din ako ng lamok. Naka-shorts pa man din ako kaya malamang magma-marka ang mga kagat sa akin. Tumayo ako at nagpasya na lumapit sa pinto namin. Mabuti na lang at kami lang ang nakatira sa baba. Pero may tatlong pamilya na nagsisiksikan sa itaas. Kumatok ako sa pinto. Patay ang ilaw. Syempre, tulog na si Mama dahil anong oras na. Nilakasan ko ang pinto. "M-ma..." nabasag ang boses ko. Nagsimula akong humikbi ng maalala ko ang nangyari sa amin ni Caleb. Ang mga pinagdaanan ko at ang saglit na pagpapanggap ko bilang si Aloe. "M-ma!" sigaw ko dahil hindi pa din binubuksan ang pinto. Kinalabog ko ang pinto. Nahihiya man at baka may magising