NIYAKAP ako ni Mama ng mahigpit. Kahit na wala siyang ideya kung anong nangyari sa akin ay pinili niyang manahimik at bigyan ako ng panahon na umiyak at magmukmok sa tabi. Alam niya na mabigat ang bitbit ko sa dibdib. Pasalamat na lang na hindi niya talaga ako kinulit. Niyakap ako ni Mama ng mahigpit at marahang hinaplos ang buhok ko. Dahil pagod na pagod ako at ang mga mata ko ay namamaga na. Mahapdi ba. Unti-unti akong nahatak sa pagtulog. Sobrang sakit ng ulo ko at parang mabibiyak na yata kaya mabuting nakatulog din ako makalipas ng ilang minuto na paghaplos ni Mama sa buhok ko. Makailang beses akong nagising. Nanibago ako kahit na isang buwan mahigit lang kaming nagsama ni Caleb. Parang kahapon sa kama niya ako natutulog. Ngayon bumalik na ako sa dati. Kumikirot ang dibdib ko kapag