Pagbukas ni Trina ng pinto ay si Clarence agad ang bumungad sa kanya na nakasandal gilid ng pinto habang nakapamulsa at nakapikit pa ang mga mata. Nakasuot ito ng white polo at nakabukas ang dalawang butones kung kaya kitang-kita ang malapad nitong dibdib, nakatupi din hanggang siko ang manggas ng suot nito. "Huwag mong sabihing matutulog ka pa riyan?" Bigla naman itong napamulat nang marinig ang kanyang sinabi, agad itong napatingin sa kanya kung kaya't nagtama ang kanilang mga paningin. "Huwag mong sabihin na magtitigan lang tayo?" ulit niyang tanong. Napatikhim naman si Clarence at agad na mabilis na iniwas ang tingin sa kanya. "L-Lets go." Agad nitong ipinulupot sa kanyang baywang ang isang braso nito para alalayan siya pababa ng hagdan. Pagkalabas nila ng bahay ay pumasok na si