NAPAHINGA ng malalim si Trina habang nakaupo sa sofa at nakatitig lang sa lumang notebook na binigay sa kanya ng isang nurse kanina ng dumalaw sila ni Daryll sa kanyang ina na nasa mental hospital. "Ano kaya ang nakasulat dito?" Napaangat naman ng tingin sa kanya si Daryll mula sa pagbabasa ng hawak nitong magazine. "Tsk. Paano mo malalaman kung hindi mo babasahin?" Isang pag-irap ang binigay niya sa asawa. Nitong mga nakaraang araw ay palagi na lang itong busy at may katawagan sa cell phone, kaya minsan ay naiirita na siya. Siyam na buwan na rin ang kanyang tiyan kaya nahihirapan na rin siyang kumilos, buti na lang tudo ay alalay sa kanya si Daryll na kahit sinusungitan niya ay ngumingiti lang ito sa kanya at napapakamot lang sa sariling batok. Wala na ring gumugulo sa kanila dahil p