Ilang araw na mula nang mangyari ang tangkang pag-kidnap kay Aiyanna pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya hinahayaan ni Clyde na pumasok sa opisina. Work from home ang peg niya ngayon, at nababagot na siya dahil nasa penthouse lang siya at walang ibang pinupuntahan. Gusto nito na may kasama siyang bodyguard o kaya naman ay ito mismo ang sasama sa kanya. Nag-aalala nga siya dahil baka sobrang nakaka-abala na siya dito, but he actually understand him. Pino-protektahan lang siya nito at kahit siya naman ay natatakot din lumabas mag-isa. Pakiramdam niya ay bigla na lang may susulpot at isasakay siya sa van, she sighed at that thought. Kasalukuyan silang kumakain ng breakfast ngayon at napansin yata ni Clyde ang pag-buntong hininga niya. "Are you okay?" nag-aalalang tanong nito Ngumiti s