TININGNAN NI SIERRA ang kalendaryo. Supposed to be, tatlong araw lang ay darating na sa kanya ang mga in-order niyang slimming products sa HomeShopping Network. Pero mag-iisang linggo na, wala pa rin siyang natatanggap. Kaya tinawagan na niyang muli ang naturang kumpanya.
“Ma’m, according ho rito sa data namin, nai-deliver na ho ‘yung orders ninyo.”
“Bakit wala pa rin akong natatanggap?”
“Imposible iyon, Ma’m. May pirma ho ang resibo namin, indicating na nabayaran na rin ang mga iyon.”
“Sino ang pumirma?”
“Eliza Arcenas ho.”
“Ah, okay. That’s my mom. Pero wala naman siyang nababanggit sa akin tungkol sa pagdating ng mga orders. Anyway, thanks.” Pagkababa ng telepono ay pinuntahan niya ang ina na abala sa pagluluto sa kusina. “’Nay, may natanggap ba kayong mga dineliver dito na nakapangalan sa akin?”
“Ha? A, oo. Meron nga. Noong nakaraang araw pa iyon dumating.”
“Nasaan na?”
“Na kay Reigan.”
“Kay Reigan? Bakit nasa kanya?”
“Itsi-tsek daw niya. Nagkukuwentuhan kasi kami nang dumating ang mga gamot na iyon.”
Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Pinuntahan niya agad ang bahay ng binata. Pero sa clinic nito, kung saan mas nauunang madaanan kaysa sa bahay mismo nito, naroon ang lalaki at abalang-abala sa paglalaro ng brick game. Palibhasa wala itong pasyente nang mga sandaling iyon.
“Sierra. You’re here. Nililigawan mo na ba ako ng lagay na iyan?”
“Wala akong panahong makipagbiruan sa iyo, Reigan. Nasaan na ang mga gamot na idinelever sa akin nung nakaraang araw?”
“A, ang mga iyon? Wala na. Itinapon ko na dun sa dumaang truck ng basura kahapon.”
“What?!” Muntik na niya itong lundagin sa mesa nito para sakalin. “Bakit mo itinapon? Akin iyon! Wala kang karapatang pakialaman ang mga bagay na walang kinalaman sa iyo!”
Binitawan nito ang laruan at seryosong bumaling sa kanya. “I’m a doctor, Sierra. Since it was a drug, may kinalaman iyon sa akin bilang manggagamot kaya may karapatan akong makialam. Hindi ka dapat nagti-take ng mga gamot na hindi mo nga maintindihan ang mga nakasulat sa mga labels. You can’t take a risk like that just because you wanted a slimmer body.”
“That is still none of your business! Hindi ikaw ang gumagastos kaya wala ka pa ring karapatang makialam kung ano man ang gawin ko!”
“Buhay at kalusugan mo na ang nakataya. Matalino ka, Sierra. Huwag mong hayaang balewalain ang mga mas mahahalagang bagay para lang sa walang kuwentang pangarap mong pagpapayat.”
Kumuyom ang mga kamao niya at nagtagis ang kanyang mga bagang. “You don’t know anything about what I’ve been through so don’t you dare say that what I’m doing is worthless. Baka nakakalimutan mong isa ka sa mga dahilan kung bakit obsessed ako ngayon sa pagpapayat.”
Natigilan ito. Pagkatapos ay dahan-dahan itong napabuntunghininga, tanda ng pagsuko.
“Babayaran ko ang mga nagastos mo sa pagbili ng mga gamot na iyon. Basta mangako ka lang na hindi ka na uli bibili ng mga iyon.”
“Wala ka sa posisyon para pagsabihan ako ng ganyan.”
“Nasa posisyon ako. I’m a doctor, I’m your friend, and I care about you. Hindi naman para sa akin ang ginagawa kong ito kundi para na rin sa iyo, Sierra. Ayokong may mangyaring hindi maganda sa iyo.”
There was a hint of frustrations in his voice that she almost regret having him worried about her so much. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit unti-unting naglaho ang galit niya rito. Even for a doctor, or a friend, medyo nakapagtataka na sobra naman yata masyado ang pag-aalala nito sa kanya.
“Okay, look,” patuloy nito. “Kung seryoso ka talagang magpapayat, may kaibigan akong dietician. Hihingi ako sa kanya ng proper menu diet para sa iyo. That way, hindi mo na kakailanganin pang mag-resort sa pag-inom ng kung ano-anong gamot. May kaibigan din akong fitness instructor. Puwede kitang irekomenda sa kanya para mabigyan ka niya ng set of exercises na babagay sa katawan at work schedule mo. Just, please, stop taking in those medicines.”
Oh, my goodness. He really cares about me. “I’ll think about it.”
“Sierra—“
“Huwag mo akong pangunahan, Reigan. When I said I’ll think about, I’ll think about it.”
Matagal bago ito sumagot. “Alright. Pero sana i-consider mo pa rin ang mga sinabi ko.”
Napaismid na lang siya. “Masyado ka talagang pakialamero.”
Now he was smiling again. Nakakapanibago ang ipinakita nito kanina. Sa unang pagkakataon kasi, nakita niya ang seryosong bahagi ng pagkatao nito. Mukhang pagdating sa propesyon nito bilang isang doktor, lahat seryoso rito. And here she thought he was just a happy-go-lucky doctor who was too absorbed with the title of being in the medical field to care for those who were around him.
Lumapit ito sa kanya. Lumayo naman siya. He sat at the edge of his table and looked at her with the same admiring expression on his handsome face she always sees in him through the years they’ve known each other. At parang gusto niyang mahiya ngayon. Ewan din niya kung bakit. Basta lang bigla na lang siyang tinubuan ng hiya sa katawan. Nako-conscious ang beauty niya! Kasi naman, kahit hindi nagsasalita, kayang-kaya nitong mambola just by looking at her like that.
“Hindi ka na galit?” mayamaya’y tanong nito. “Akala ko gigilitan mo na ako ng leeg kanina.”
“Well, hindi pa rin naman nawawala sa isip ko ang bagay na iyan. Kaya mag-iingat ka pa rin sa mga gagawin mo.”
“I will. Pero talagang hindi ka na galit?”
“E, ano naman kung magalit nga ako? Wala ka namang pakialam.”
“Meron. Pero hindi ako mangangatwiran ngayon. Baka ma-highblood ka na naman. Lumalaki pa naman ang butas ng ilong mo kapag nagagalit ka.”
Natatawa lang itong umilag nang hampasin niya ito sa mukha. Upon hearing his laughter, tuluyan ng naglaho ang anomang pagkayamot niya rito kanina. He was just concerned about her anyway. Wala na nga namang dahilan para kastiguhin pa rin niya ito.
“You’re smiling,” wika nito. “Ibig sabihin, may pagnanasa ka na rin sa akin.”
“Tigilan mo nga ako, Reigan.” Nang talikuran niya ito ay hinawakan siya nito sa kamay. Gulat niya itong binalingan. “My hand, please?”
Imbes na sumagot ay dahan-dahan lang itong tumayo. “Matagal ko ng gustong gawn ito, Sierra. Ngayon nga lang ako nagkaroon ng pagkakataon.”
“W-what…”
He casually wrapped his other arm around her and gently pulled her to him without letting go of her hand. Hindi rin niya alam kung bakit ni wala siyang ginawa upang pigilan ito. O kahit ang pagalitan man lang ito. Basta hinayaan lang niya itong yakapin siya nang walang imik. She could feel his hot breath on her head. Hinahalikan ba nito ang ulo niya? Nagregodon ang dibdib niya. Ano ba ang ginagawa nito? Nililito na naman nito ang isipan niya. Ang pasaway naman niyang puso, mukhang enjoy na enjoy pa ang mga nangyayari. Because somehow, she could sensed that she was also starting to get used to the feel of his solid warm body against her.
“I like your scent.”
His hushed voice seemed to creep into her heart. “It must be my new shampoo. Stallion Shampoo.”
“You’re using a horse’s shampoo?”
“Tange. Pangalan lang iyon.” Kumalas siya rito ngunit hindi siya nito hinayaang makalayo.
“Just a few minutes more.”
Just a few minutes? Baka bago matapos ang ilang minutong request nito, wala na ring matitira sa katinuan niya. Baka maniwala na siya sa matagal na nitong mission statement na may gusto ito sa kanya. Because God only knows she was loving this strange feelings every second. Darn!
“Good morning, Dr. Balta—“
Mabilis siyang humiwalay kay Reigan nang marinig ang boses na iyon. Damang-dama pa niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi nang makita ang mag-inang kapapasok lang sa clinic.
“Mommy, hug nya si Dok.”
“Ssshh! Huwag kang maingay, Glen.”
“Mommy, kiss din sila—“
Tinakpan na ng ina nito ang bibig ng bata bago pa humaba ang mga tanong nito. “A, e…pasensiya na sa kadaldalan ng anak ko. Siguro maghihintay na lang kami sa labas hanggang matapos kayo sa…usapan ninyo.”
“Tapos na kami,” wika ni Sierra.
“Hindi pa, a,” kontra ni Reigan. “But let’s just continue this next time.”
Pinandilatan lang niya ang nakangising lalaki bago lumabas ng clinic nang tumatahip ang kanyang dibdib.
Peste! Bakit ko ba hinayaang makalapit ng ganon sa akin ang kumag na iyon? At talagang nagpayakap pa ako!
Habang pabalik sa kanilang bahay ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang katatapos lang na eksenang iyon sa pagitan nila ni Reigan. It was like that night when she tried to crush him in front of his house and he had touched her hair. That same night when she first saw in his eyes the passion she thought was just all bluff. Ang katatapos lang na pangyayaring iyon sa clinic nito ang tila kumukulit sa puso niya na isiping totoo ang mga ipinakita nito noon. Na totoo ang mga sinasabi nitong matagal na siya nitong gusto. And then she remembered his words earlier.
I’m a doctor, I’m your friend, and I care about you. Those were his words that finally put an end to her dillema.
“He was just trying to make me feel better,” kumbinsi niya sa sarili. “Dahil guilty siya na napasama nga niya ang loob ko kanina sa ginawa niyang pakikialam sa mga gamot ko.”
Oh, gosh. She never thought thinking so much could be this tough. Sumasakit na ang ulo niya. Naiinis pa siya kay Reigan. Na naman. Sa hindi na niya malamang kadahilanan.