Chapter seven
ARA
Pinapakiramdaman ko ang asawa ko, hindi na siya nagsasabi sa akin tungkol sa mga problema niya pero halata sa kaniyang mukha na palagi siyang dismayado at problemado.
“ Lutuan mo nga ako.” Utos niya sa akin.
“ Meron na akong niluto, pinapainit ko na lang.”
Ang tahimik niya ngayon pero todo tutok siya sa kaniyang cellphone at hindi niya sinasabi sa akin kung sino ang kausap niya, dati rati kapag ganito nagkwekwento siya sa akin ng mga problema o kaya sinasabi niya kung sino ang nakakausap niya.
Gustong gusto ko na magtanong dahil hindi ako sanay ng nililihiman kaso baka mauwi nanaman sa away dahil nakikita kong naiinis siya sa kinakausap niya sa cellphone.
Nasubukan ko na kase yun, bigla niya akong sinigawan dahil sa pagtatanong at pangungulit ko sa kaniya kung anong nangyayari sa kaniya at kung sino ang kausap niya, kagaya nga ng sinabi ko hindi ako sanay na nililihiman ako lalo pa at matagal na kaming nagsasama at ngayon ngayon lang siya nagbago ng ganiyan.
Ang laki talaga ng pinagbago niya nitong mga nakalipas na buwan, kaya nga nasstress na ako kakaisip kung ano bang nangyayari, may mga taong pumupunta dito na hindi ko kilala, ang iba ay armado pa ng baril pero mga kaibigan niya.
Akala ko dati puro negosyante lang ang kaibigan at kakilala niya pero bakit parang mga mukhang kasali sa malalaking sindikato ang mga taong pumupunta na dito.
Kinakabahan ako, natatakot ako pero mas nag aalala ako para kay Mike.
Inihain ko na lang ang pagkain namin at nakisalo sa kaniya kahit hindi niya ako pinapansin, magkatapat kami pero nakatutok siya sa kaniyang cellphone at hindi sa akin o sa pagkain.
“ Kumain ka na.” sabi ko.
“ Oo, mamaya.” Yan lang ang sagot niya sa akin, naiinis na ako kaya naman lumapit ako sa gilid niya at tinignan yung phone niya, may kachat nga siya pero mukhang hindi naman babae yung kausap niya, inilayo niya agad sa akin yung phone niya. “ Ano ba? Bakit nandiyan ka?”
“ Kakain ka ba o hindi? Kanina ka pa nakahawak sa phone mo nasa harap tayo ng pagkain, hindi mo ba yan bibitiwan? Simula pagkagising hanggang ngayon yan ang hawak mo, sino ba yang kausap mo?”
“ Wala kumapre ko lang.”
“ Kumapre? Anong meron sa kumpare mo na yan?”
“ Sinisingil ko lang sa hiniram niya sa akin.”
“ Nagpapahiram ka pa ng pera samantalang ako? Pambili lang ng gusto ko ayaw mo pang magbigay.”
“ May interes naman to, hindi ko naman ipapahiram na wala akong napapala, eh yang gusto mo kikita ba ako doon?” yung mga pinagsasabi niya ngayon, hindi ganiyan ang nakilala kong Mike. Dati kahit mamulubi na daw siya basta maibigay niya lang sa akin kung anong gusto ko, kung pwede ko lang isumbat yun sa kaniya ngayon kaso baka lumala lang itong away namin.
Sayang lang itong inihanda ko kapag ganun ang nangyari kaya naman bumalik na lang ako sa upuan ko at inubos ang pagkain.
Hindi man lang siya concern sa akin kahit na nagalit ako kanina, nagtataka na talaga ako sa malaking pagbabago ni Mike, pero pansin ko naman na puro lalake at tungkol sa pera lang ang pinagkakaabalahan niya.
Habang nagbibihis ako napaharap ako sa salamin. “ Ang tagal na ng huli naming gawin yun.” bulong ko sa aking sarili. “ Pumapangit na baa ko? Tumataba na baa ko?” tinititigan ko ang aking sarili.
Hindi na ako nakakapag ayos ng sarili dahil palagi lang ako dito sa bahay, daig ko pa ang may limang anak pero ni isa hindi ako nabigyan ni Mike.
Kailangan ko na sigurong mag ayos? Pero nasa bahay lang naman kase ako.
Dati noong na kay Junpei pa ako halos puno ng make up ang mukha ko pero ngayon kahit pulbos hindi ko malagyan, hindi dahil wala akong oras para sa sarili kung hindi dahil gusto ko lang din mahalin ako ni Mike ng ganito kasimple.
Kapag lalabas naman ako at may pupuntahan nakakapag ayos din ako kaso ngayon mas inaalala ko ang pagbabago ni Mike kesa sa sarili ko.
Tinignan ko yung drawer ko, nandito pa rin yung mga damit ko na pang akit para kay Mike noon, suotin ko kaya? Total wala naman siyang pupuntahan ngayon.
Nag ayos ako at naglagay ng pabango, ito yung paboritong pabango ni Mike para sa akin at pinanloob ko yung two piece na gustong gusto niyang sinusuot ko.
Hinintay ko siya na pumasok dito sa kwarto, gabi na rin kase kaya alam kong wala siyang pupuntahan.
Narinig kong papalapit na siya dito kaya naman inayos ko ang damit ko para akitin siya pero nasa harapan ako g salamin at naglalagay ng skin care routine ko.
Napansin kong napahinto siya at napatitig sa akin, success ang plano ko. “ Bakit mahal?” tanong ko sa kaniya.
“ Ngayo mo lang ulit isinuot yan.”
“ Tinitignan ko kung Kakasya pa sa akin, medyo maluwag pa nga.” Pang aakit ko sa kaniya at pinakita ko pa ang suot ko.
“ Pumayat ka nga, ang dami mo namang kinakain pero bakit pumapayat ka?” hindi man lang ba siya naakit? Tsk.
Umupo siya sa gilid ng kama at tumabi ako sa kaniya, ipinatong ko ang aking kamay sa kaniyang binti at nag usap kami pero hindi tungkol sap era o sa trabaho, tungkol sa aming dalawa.
“ Gusto ko na magkababy Mike.”
“ Ayaw pa naman makabuo anong gagawin ko?”
“ Magpacheck up ka paya?”
“ Tsk, hindi naman ako baog.”
Inaakit ko siya gamit ang kamay ko, napansin kong nagising ang alaga niya pero hindi man lang niya ako hinahawakan o hinahaplos, nakakainis talaga.
Ako na ang nagfirts move pero balewala ata sa kaniya, yung alaga niya lang ang ginaganahan pero siya walang pake.
“ Ayaw mo?” tanong ko sa kaniya. Hindi siya umimik at inalis na lang niya bigla yung ribbon sa may bandang dibdib ko kaya tumambad agad ang nakatago kong bundok.
Nabigla ako sa ginawa niya, hinihimas lang niya pero ako itong sabik na sabik sa kaniyang katawan ngayon.
Ang akala ko talaga tatanggihan niya ako pero mukhang naaakit parin siya sa katawan ko, alam ko kapag nambabae siya hindi na namin magagawa ito at tatanggihan lang niya ako kapag nagsawa na siya sa akin.
Naaakit ako sa bawat haplos niya sa katawan ko, hindi ko mapigilang hindi siya halikan, kaso pansin ko sa kaniyang halik ay wala itong pananabik, parang pinagbigyan lang ako ni Mike at pinainit pero nandito na to kaya itutuloy ko na.
Napakabilis parin ng kaniyang kamay at nahubaran niya ako ng ilang segundo lang, hindi ko mapigilan ang sarili ko na akitin siya.
Pinahiga niya ako at siya ang umibabaw sa akin, ang mga mata namin nakatitig lang sa isat isa na parang nagsasabing ituloy mo lang.
Ngayon lang ulit ako nabaliw ng ganito na kahit anong gawin niya sa katawan ko ay ayos lang, kahit sabunutan o kagatin niya ang bawat parte ng katawan ko ay hindi ako nasasaktan.
Maya maya pa biglang may tumawag, pareho kaming nabigla at natauhan sa narinig naming ingay ng cellphone niya.
Istorbo naman!
Nag uumpisa palang kaming magromansa at nagpapainit ng katawan pero may istorbong tumatawag, hindi naman sana niya yun kakausapin pero ng makita niya kung sino ang tumawag ay bigla siyang umalis sa ibabaw ko.
Nawala lahat ng gana sa katawan ko, bakit napakaimportante ng tumatawag kesa sa akin?
Sinagot niya ito habang nakaupo sa tabi ko, boses lalake naman kaya hindi ako gaanong nangamba, hindi babae ang kausap niya, kapag nangyari yun baka mag away pa kami ngayon, pareho kaming wala ng saplot sa katawan pero may istorbong tumawag kase, basang basa na ang buong katawan ko ng pawis at ang lagkit ko na kaso hihintayin ko pa siyang matapos makipag usap sa kumpare niya? yun kase ang tawag niya kumpare pero hindi ko naman kilala kung sino ang tinutukoy niya.
Pagkababa niya ng phone niya nawalan na din ako ng gana, maski siya ganun din.
“ Lalabas muna ako nag aaya sila uminom.”
“ Saan ka nanaman pupunta? Anong oras na ah.”
“ Kanina pa nila ako inaaya dahil birthday ng kumpare ko, yung pinuntahan natin noon sa binyag.”
“ Anong binyag? Wala naman tayong pinuntahan na binyag ah.” Pagtataka ko, wala akong maalal na pinuntahan naming binyag.
“ Nakalimutan mo na siguro, nakakahiya naman kase ngayon lang nila ako makikita, uuwi din ako agad.”
Hindi ko siya napigilan dahil nagbihis na agad siya ng damit, sumakit sana yang puson mong animal ka, binitin mo lang ako!
Ang sarap sumigaw pero gabi na at nakakahiya sa ibang bahay na makakarinig ng sigaw ko, marami pang pagkakataon at oras Ara, relax ka lang.
Para kase akong napahiya sa ginawa niya, hindi man lang niya tinuloy ang ginagawa namin, mas pinili pa niya ang ibang tao.
Naglinis na ako ng katawan at nagbihis, habang si Mike naman nagbihis na rin at paalis na ngayon sa bahay.
Hindi ako umiimik habang palapit siya sa akin, hinalikan niya ako sa pisngi bago siya umalis. Alas onsen a ng gabi aalis pa talaga siya? Tsk.
Mas importante pa talaga ang kumpare niya kesa sa akin, mas mahalaga ang birthday nun kesa ang magbigay oras sa akin.
Inaalala ko parin yung binyag na pinuntahan namin, wala talaga akong matandaan na binyag na inattendan naming dalawa, kilala ko ang mga inaanak ko at matagal ng panahon yung umattend kami sa binyag.
Kilala ko ang mga kaibigan at kakilala namin, hindi nila tatawagan si Mike ng mag isa kapag inaaya siya, maski ako sinasama nila kaso bakit ngayon mag isa lang niyang aalis at hindi man lang ako inaya?
Iba talaga ang kutob ko ngayon, hindi ko alam kung dahil nabitin ako sa nangyari kanina o may kakaiba talagang nangyayari, ayaw ko siyang pagdudahan talaga kaso sa ikinikilos niya ngayon may kakaiba talaga sa kaniya kahit na sabihin kong lalake yung narinig kong kausap niya.
Hays, makatulog na nga, bahala siya diyan umuwi.
Ayaw ko mastress papangit ako.
Nakatulog na ako at nagising pero wala parin si Mike sa tabi ko, hindi ba siya umuwi kagabi? Akala ko uuwi siya agad?
Nilibot ko ang buong bahay pero wala siya, hindi talaga siya umuwi kagabi.
Tinatawagan ko ang phone niya nagriring lang, pero mga alas syete na ng gabi ay may nagbukas ng gate, alam kong siya yun.
“ Bakit ngayon ka lang? sabi mo uuwi ka agad?”
“ Naparami ang inom ko kagabi mahal, sorry na.” nilalambing niya ako, halatang may kasalanan, sa paglalambing niya nanghihina ako at napapasuyo kaso ayaw ko ng ganito, palagi na lang niya akong nilalambing tapos ayos na lahat at uulitin nanaman niya?
“ Lumayo ka nga, tinatanong kita ng maayos, sino ba mga kasama mo kagabi huh?”
“ Sila Jay ar lang at yung mga kamag anak niya at yung ibang kakilala natin.” Yung sinabi niyang pangalan kakilala ko kaso bakit hindi ako naniniwalang sila ang kasama niya, amoy alak nga siya kaya deretso agad siya sa banyo.
Hindi na talaga ako natutuwa sa mga ipinapakitang ugali ni Mike ngayon, mask isa mga pagpapalusot niya, pakiramdam ko talaga nagsisinungaling lang siya sa akin kaya ganito na lang kalakas ang kabog ng dibdib ko.
Hindi ko alam kung normal bai tong kutuban ng masama kahit na wala naman akong nakikitang kakaiba? O sadyang napaparanoid lang ako dahil kulang ako ng atensyon at lambing.
Kailangan ko ng proweba para malaman kong tama ang kutob ko na nagsisinungaling nga ang asawa ko, kaso paano?
Kailangan ko na kumilos para malaman kung ano ba talaga ang nangyayari kay Mike.