Chapter six
JUNPEI
“ Welcome home anak!” my mom hugged me.
“ I miss you so much.”
“ Namiss din kita sobra.” Halos maiyak si mama ng makita ako, ilang taon din kaming hindi nagkikita, masyado kase akong abala sa negosyo ko, hindi ako nakakadalaw sa kanya at kung dumalaw man siya sa akin ay wala rin akong oras para sa kanya.
Tinuon ko talaga ang buhay ko sa trabaho upang umunlad, hindi naman ako nabigo sa pagsisikap ko, tinatamasa ko na ngayon ang buhay na pinangarap ko, na pinangarap namin ni Ara noon.
“ Nagluto ako ng paborito mo anak.” Halata sa kaniyang mukha ang pananabik. Sinamahan niya ako hanggang sa aking kwarto upang mailagay ang mga gamit ko. “ Natutuwa ako sa iyo.” Kakaiba ang tono ng boses ni mama.
“ Palagi mo na lang sinasabi sa akin yan.”
“ Alam ko naman kase lahat ng pinagdaanan mo.” Parang pinapaalala niya sa akin ang ex wife ko.
Ngumiti na lang ako kay mama, ayoko muna pag usapan ang nakaraan dahil pagod ako at marami akong balak gawin sa pag uwi ko ngayon sa Pinas at isa nan ga doon ay ang ex wife kong si Ara.
Nakipagbonding muna ako kanila mama, kailangan ko rin ng pahinga matapos ang mahabang byahe. Sa kanila muna ang oras ko ngayong araw dahil bukas, sasabak din ako sa trabaho, dadalawin ko rin ang kompanya ko dito kaya kailangan kong gugulin ang oras sa pamilya ko.
Kaso nga lang bakit hindi parin mawala wala sa isipan ko ang dati kong asawa? Hindi ko alam kung mahal ko pa siya pero tuwing naaalala ko siya at ang mukha ng lalake niya ay nanggagalaiti ako sa galit, lalo pa kapag naiisip kong niloko niya ako sa mga panahong binubuo palang namin ang mga pangarap namin.
Ano ba tong naiisip ko, natritrigger ang utak ko kapag ganito, mas okay talaga kapag abala ako dahil kahit papaano hindi ko siya naaalala.
Tinawagan ko ang secretary ko sa kompanya kaso ang sabi niya may kasama daw akong secretary na galing sa abroad na inilipat ko sa Pinas.
Naguluhan ako kaya naman pinapunta ko sila dito sa bahay at laking gulat ko na si Athena ang nakita ko. “ You’re here?”
“ Yup! Syempre naman hindi ko iiwan ag kaibigan ko.” Natawa na lang ako dahil si Athena ay malapit sa akin at siya din halos ang tumulong sa akin noong bago palang ako sa ibang bansa, hindi ko siya secretary at sa ibang kompanya siya nagtatrabaho, tinutulungan niya lang ako noon dahil malala ang depresyon ko lalo pa at gustong gusto ko talagang umunlad sa buhay, alam niya ang kwento ko pero ni minsan hindi ko siya ginawang panakip butas para lang makalimutan ko ang asawa ko. Para ko na siyang kapatid at sobrang lapit namin sa isat isa, nagtutulungan kami lalo noong nasa ibang bansa pa ako.
“ Ilang linggo ang bakasyon mo?”
“ For good.”
“ Huh? Anong for good?”
“ Umm, napag isip isip ko na manatili na lang din dito, nakakamiss lang din sa bansa natin, namimiss ko rin ang family ko kaya magpapatayo na lang ako ng business and syempre ako ang magiging secretary mo dito sa Pilipinas.” Hindi naman ako makatanggi sa kaniya, malaki ang utang na loob ko kay Athena kaya pumayag akong siya ang maging secretary ko.
Kilala ko naman na siya noon pa kaya kampante ako na hindi niya ako bibiguin lalo pagdating sa trabaho. Matalino si Athena kaya bilib din ako sa galing niya.
Nakita kami ni mommy at pinakilala ko si Athena sa kanila, nasa kitchen kami ngayon ni mommy dahil inaasikaso ko ang meryenda namin.
“ She’s cool.”
“ Yup.”
“ Do you like her?”
“ Mom, hindi ko na iniisip yan.”
“ But why Junpei, lalake ka, nasa tamang edad, mayaman at syempre gwapo tapos sasayangin mo lang, alangan naman maging matandng binata ka na lang?”
“ Hindi po ako binata mom.” Hindi naman kase kami annulled or divorce ni Ara. Napakunot tuloy ng noo si mama. “ Huwag kang ganiyan ma lumalabas wrinkles mo.”
“ Inaalala mo nanaman ang babaeng yun anak.”
“ Nope.” I lied, but yes hinding hindi ko talaga siya makakalimutan lalo na ngayon.
“ Nandiyan na nga sa tabi mo ang magandang dalaga tapos tumatanggi ka pa, mukhang may gusto rin naman siya sayo, pansin ko yun anak.”
“ Mom, we’re friends since I was at my worst, hanggang doon lang yun mommy.”
Hindi naniniwala si mommy sa ipinapakita niyang reaksyon. “ Well, for you you we’re friends but for her?”
“ Same mommy.”
“ I don’t think so.”
Hindi ko ipipilit kay mommy na paniwalaan ako kaya naman ngumiti na lang ako sa kaniya, ayaw kong mag away kami, gusto ko lang ng magandang vibes dito sa bahay kahit na gusto kong gumanti sa dati kong asawa.
Nakisalo sa amin si Athena, tuwang tuwa si mommy sa kaniya, hindi ganiyan si mommy kay Ara noon, sumuporta lang siya sa amin pero hindi siya ganiyan kung makipag usap sa dati kong asawa, siguro dahil akala ni mommy na hindi pa kami handa sa buhay mag asawa pero pinilit na namin magpakasal. Handa naman kaming dalawa, hindi lang siya nakuntento sa kung anong buhay namin noon.
Hindi ko alam kung anong nararanasan niyang buhay ngayon kasama ng lalaking ipinalit niya sa akin, kung mas malala ba ang tinatamo niyang paghihirap o masaya siya.
Ipapahanap ko siya sa hinired kong mag iimbistiga sa kaniya, aalamin ko kung ano na ang sitwasyo ng dati kong asawa.
Pagbalik ko sa living room nakangiti si mommy at biglang nailang si Athena, pakiramdam ko iba nanaman ang kinikwento ni mommy sa kaniya, ayaw kong pag usapan ang tungkol sa love life ko, ayos naman ako kung anong meron ako ngayon, ayaw kong pilitin ang puso at isipan ko sa ibang tao para lang may masabing may bago na ako at nakamove on na ako.
Nakisabay ako sa kwentuhan nilang dalawa, kase kami ni Athena halos puro sa negosyo ang kwentuhan namin, minsan namamasyal kaming dalawa pero pampalipas oras lang yun, pampawala ng stress sa negosyo at walang ibang meaning yun sa amin.
Iniwan din kami ni mommy dito sa living room, gusto niya kase ligawan ko na si Athena.
“ Hahanapin mo ang ex wife mo?” biglang tanong sa akin ni Athena.
“ Umm, maybe.”
“ For what?”
“ Sa akin na lang yun.”
“ Ikaw ah nagilihim ka na sa akin ngayon.” ngumingiti na lang ako pero ayaw ko talagang ibulgar ang plano ko tungkol sa dati kong asawa. “ Okay fine, its your private life so cheers for the new beginning.”
Nagkwentuhan lang kaming dalawa at hindi namalayan ang oras, hinatid ko siya sa bahay nila pero hanggang sa labas lang, ayaw ko naman mang istorbo ng ganitong oras lalo at tulog na ang mga kasama niya sa bahay.
Late akong nagising kaya nareschedule lahat ng gagawin ko ngayong araw, hindi sanay ang isip at katawan ko sa oras dito kaya kailangan ko pa talaga ng kauntng pahingas.
Kapag biglaan palang nagtrabaho masisira rin ang utak mo kaya hindi muna ako nagpakita sa kompanya, nagkita na lang kami ng hinired kong private investigator sa may cafeteria dahil kakausapin ko siya tungkol kay Ara, sa dati kong asawa.
“ Madali lang pong mahanap ang bahay nila, medyo malapit lang sila dito sir.”
May binigay siyang litrato sa akin ng dati kong asawa, nasa labas ng gate. Tinitigan ko itong mabuti dahil ngayon ko lang ulit siya makikita kahit sa litrato lang.
Pumayat siya, hindi ganito ang katawan niya noong nagsasama kami, nakakapag ayos pa siya noon kahit na palagi kaming nag aaway at kahit nasa bahay lang. Pero sa nakikita ko sa litratong binigay sa akin, pumayat siya at halos hindi na makapag ayos ng sarili.
“ Anong nalaman mo tungkol sa kaniya.”
“ Sir palagi lang siyang nasa bahay, ang kinakasama niya po ang palaging umaalis ng kanilang bahay, iniiwan lang siya doon.”
“ May anak na ba sila?”
“ Wala po sir, pero napag alaman ko po na mahilig sa sugal ang kinakasama ni Ara na si Mike, tapos po ang ibang negosyo nila ay palugi na rin, ang iba naman ay nabenta na niya sa iba dahil sa sugal, madalas din siyang makitang may kasamang ibat ibang babae habang nasa sugalan o kaya sa bar, yun ang nakalap kong impormasyon tungkol sa kinakasama ng dati niyo pong asawa.”
Alam kaya ni Ara ang tungkol dito?
Imposibleng alam niya, ako nga na walang ginagawang masama sa relasyon namin nagawa niyang lokohin at talikuran, yun pa kayang ipinalit niya sa akin na lulong sa sugal at babae? Tapos nauubos na ang kayaman nila dahil sa utang siguro.
Tsk.
Karma niya yan.
Naiwan ako mag isa dito sa cafeteria, ipinagpatuloy ko parin ang pagmamanman sa dati kong asawa, kung palugi na ang negosyo nila at nabebenta na ang ibang mga ari arian malamang anytime pwede na silang bumagsak.
Natatandaan pa kaya nila ako?
Natatandaan pa rin kaya ako ng lalake niya?
Napapaisip tuloy ako dito habang mag isa, gustong gusto ko talaga silang turuan ng leksyon lalong lalo na ang asawa kong madaling sumuko kapag may problema.
Hindi naman ako ganito dati pero sila ang gumawa sa akin nito kaya naman itutuloy ko tong plano ko, nandito na ulit ako sa bansa kaya wala ng atrasan pa.
Sinabi sa akin kung saan sila nakatira kaya naman pag alis ko sa cafeteria ay dumiretso ako sa lugar na tinutuluyan ng dati kong asawa.
Mabuti na lang hindi gaanong mahigpit dito sa village na pinuntahan ko, nakita ko na agad ang bahay na tinutuluyan ng dati kong asawa, malaki nga at hindi kagaya ng una naming inirahan noong mag asawa pa lang kami ni Ara.
Mayaman talaga yung ipinalit niya sa akin noon, pero pabagsak na siya ngayon kaya hindi ko alam kung saan tatakbo si Ara kapag nawala na lahat ng yaman ng lalaking iyon, ang sabi pa sa akin babaero ang kinakasama niya ngayon, mararanasan niya rin ang mga pinaranas niya sa akin.
Ganiyan maglaro ang karma sa mga taong manloloko ng kapwa niya lalo pa at wala namang ginawa ang niloko nila kung hindi ang mahalin siya ng sobra pa sa buhay ko noon.
Habang nakatitig ako sa kaniyang bahay ay para akong naluluha kaya umalis na ako agad, hindi ko alam kujkng nakamove on na ba ako o sadyang nasasaktan parin ako sa nangyari sa amin ng asawa ko.
Ilang taon na ang lumipas pero masakit parin kapag inaalala ko, naluluha parin ako pero tinatatagan lang ng isipan ko dahil iba na ang sitwasyon ko noon at ngayon.
Siguro dahil na rin sa mga pagsisikap ko at kung ano ang narating ko ngayon kaya ako naiiyak, ang layo layo na kase kumpara noong nagsasama pa kami ni Ara, kung sana kumapit siya sa relasyon namin ay kasama ko pa sana siya ngayon.
Biglang bumukas ang gate ng tinititigan kong bahay at lumabas si Ara na may dala dalang itim na plastic na parang lagayan ng basura, isinalansan niya sa may gilid upang madaling kunin ng truck.
Kagaya nga ng nakikita ko sa litrato, ganun na ganun ang itsura niya, pumayat siya at hindi na gaanong nag aayos ng sarili, ikinikulong na lang ba siya ng bago niyang asawa sa bahay?
Sigurado kapag bumagsak na talaga ang negosyo ng ipinalit niya sa akin at nawala na lahat ng ari arian niya ay babalik din siya sa akin, sinisiguro ko yan na siya naman ang magmamakaawa sa akin na tanggapin siya ulit.