Chapter five

1318 Words
Chapter five ARA Matapos ko maggrocery inoobserbahan ko si Mike, masyado siyang busy sa phone niya hindi ko alam kung sino ang katext or kachat niya kaya nilapitan ko na agad. “ Sino yan?” tanong ko agad, alam niyang selosa ako, mabuti na lang hindi niya tinago agad yung phone niya sign na iyon na may iba siyang babae, pasulyap sulyap ako sa kausap niya at mukhang lalake naman ang katext niya. “ Kaibigan ko.” Binaling niya ulit ang atensyon niya sa phone, nakakapagtaka talaga siya dahil kanina pa yan pagkagising niya. Ang tipid ng sagot niya kaya hindi na ako nagtanong ulit, kaso hindi ako kampante, parang may nangyayaring hindi ko alam, bakit ako kinakabahan ng ganito kung lalake naman ang kausap niya? Inayos ko na lang ulit yung mga grinocery ko pero ang mata at isipan ko na kay Mike, pabalik balik siya sa sala at kwarto, paglingon ko sa kanya dala dala niya yung susi ng sasakyan. “ Saan ka pupunta?” agad kong tanong. “ Sa kaibigan ko, may pag uusapan lang kami tungkol sa negosyo.” Nagmadali siyang umalis, pag uusapan tungkol sa negosyo? Bakit nakasando at shorts lang siya na pambahay kung mga businessman ang kakausapin niya? Iba ang kutob ko, pero may tiwala naman ako sa kanya pagdating sa babae, sinilip ko lang siya sa bintana hanggang sa makaalis ang kanyang sasakyan. Gusto ko sana siyang sundan kaso baka mahuli niya ako, ayoko naman na makagawa ng dahilan ng pag aaway namin. Napabuntong hininga na lamang ako, hinintay ko si Mike hanggang gabi, alas otso na ng gabi pero wala pa siya, kanina pa siya umalis pero hindi man lang niya ako nasasabihan kung nasaan na siya. Ilang linggo ko na siyang naoobserbahan na may parang nagbago sa kanya, ewan ko ba kung ako ang problema o siya na talaga, nag ooverthink lang kaya ako? Madaling araw na siya nakauwi, hinintay ko siya dahil nag aalala ako, pag uw niya amoy yosi siya at alak pero hindi naman siya gaanong lasing. Alam ko kapag lasing na lasing ito. “ Saan ka ba galing? Anong oras na oh.” “ Napasarap yung paglalaro namin, sorry mahal hindi ko namalayan ang oras.” Nilapitan niya ako na parang wala siyang kasalanan, nagsugal nanaman siya, pero iba na ang kanyang suot na damit. Hindi ako umimik pero sinusuyo niya ako at nilalambing, ganyan naman siya palagi tuwing may kasalanan siya sa akin. Hindi man lang niya ako tinawagan o ininform man lang kung nasaan siya at kung anong ginagawa niya. Oo nagtatampo ako sa kanya ngayon. “ Matutulog na ako.” Iniwan ko siya sa sala at naglakad papunta sa kwarto, napansin ko ang kanyang wallet na nakalapag sa mesa, parang may humahatak sa akin na hawakan iyon kaya ginawa ko, binuksan ko ito ng hindi napapansin ni Mike. Pagtingin ko ay wala na ang ibang card niya dito, alam kong ito lang ang tanging lagayan niya kaya imposible naman na kung saan saan niya iyon inilalagay. Paglingon ko kay Mike nasa banyo na siya. Hindi talaga niya mapapansin na pinakealaman ko ang wallet niya dahil dumiretso siya doon. Ang dami ng nagbago sa kanya, hindi na siya nag oopen ng problema sa akin kahit halata naman na meron. Dumiretso na lang ako sa kwarto at inayos ang higaan namin, maya maya pa sumunod na si Mike sa akin, niyakap niya ako mula sa likuran. Ramdam ko ang kanyang hininga na dumadampi sa balikat ko, naka sleeveless kase ako ngayon, hindi parin niya inaalis ang pagkakayakap sa akin, ngayon naman ay hinahalikan na niya ang aking balikat. “ Mike ano ba?” alam ko na kung saan papunta ito kaya inilalayo ko siya. Umiiba na rin ng dereksyon ang kanyang kamay, napupunta na sa dibdib ko. “ Ayaw mo ba?” “ Inaantok na kase ako, anong oras na din.” Wala siyang nagawa, pumatong na ako sa kama at humiga, nakatayo lang siya sa gilid ng kama at halatang dismayado, ganyan naman yan kapag nalalasing nag iinit, pero dahil masama loob ko sa kanya at pagod din ako kaya itutulog ko na lang. Ang hirap makipag-usap sa lasing. Kinabukasan ay late nanaman nagising si Mike, nakita ko yung mga resibo na kalat kalat sa may kitchen namin, pinulot ko iyon isa isa, hindi ko alam kung saan galing ang mga resibong ito pero ang lalaki ng halagang nakalagay dito. Hindi ata niya sinasadyang maikalat ang mga ito, nataon lang na nakita ko dahil nauna akong nagising. Inilagay ko muna sa may gilid ng refregirator yung mga resibo. Hinintay kong magising si Mike upang makausap tungkol sa mga bayarin na hindi niya ipinapaalam sa akin, pinagluto ko parin siya ng umagahan niya pero lumamig lang din dahil late na siyang nagising. Nakaupo lang ako habang hinihintay siya. “ Good morning my love.” Nagtaka ako dahil ngayon niya lang ako natawag na ganun. “ Anong my love?” “ Huh?” maski siya nagtaka. “ Wala, kumain ka na at may pag uusapan tayo.” Halatang may hang over, kung ano anong pinagtatawag sa akin, kung wala lang akong tiwala sa kanya malamang kung ano ano ng pinag iisip ko sa kanya. Pagkatapos niyang kumain lumapit agad siya sa akin. “ Bakit ang aga aga nakasimangot ka nanaman? Galit ka parin ba sa akin dahil umuwi ako ng hating gabi? Wala naman akong ginagawang masama eh.” “ Ano nanaman bang ginastos mo bakit napakarami mong resibo? Yung ibang card mo wala sa wallet, nasaan na?” “ Ah yun ba.” Bigla siyang nautal, para siyang kinakabahan at hindi niya sinagot ng direkta yung tanong ko. “ Me-meron kaseng umutang sa akin, pinahiram ko muna.” “ Huh? Pinahiram? Bakit mo ipapahiram yung card mo? Ang laki ng laman nun sana nagwithdraw ka na lang.” “ Hays, mahal mapagkakatiwalaan naman sila.” “ Bakit ngayon mo lang sinabi? Kelan naman niya ibabalik yun? doon pumapasok yung shares mo ah bakit binigay mo lang basta basta?” “ Ano ba Ara, sinabi ko na nga sayo yung dahilan tanong ka pa ng tanong!” biglang tumaas ang tono ng boses niya, umiba ang pakiramdam ko dahil sinigawan niya ako, inaalala ko lang naman yung mahalagang bagay na kailangan namin, basta basta niya na lang ibinigay sa ibang tao yung card niya na may malaking halaga. “ Nagtatanong ako ng maayos tapos sisigawan mo ko? Bakit ka nagkakaganyan ha? Hindi ka naman naninigaw dati ah.” “ Ang kulit mo kase, makailang beses ka magtanong tapos paulit ulit pa!” Ngayon lang talaga niya ginawa ito sa akin, hindi na ako nakaimik pa, naluluha na ako habang nakatitig sa kanya, pinapakalma rin niya ang kanyang sarili kaya hindi rin siya umimik. Maayos naman ang tanong ko pero bakit siya ganun? Nakakasama ng loob, naluluha talaga ako ngayon pero hindi man lang niya ako sinusuyo. Ang lakas pa ng pagkakasara niya sa pinto ng banyo dahil sa inis niya sa akin. Wala naman akong kasalanan kaya hindi ako hihingi ng tawad sa kanya, nagligpit na lang ako ng mga kalat sa bahay at hindi kami nagpapansinan ngayon ni Mike pagkalabas niya ng banyo. Dati rati sinusuyo niya ako agad agad tuwing nagtatampo ako sa kanya pero ngayon nakikipagmatigasan na siya sa akin, tumaas na ang pride niya. Kinakalma ko na lang din ang aking sarili. Bigla ko tuloy naalala ang ex husband ko, si Junpei, ganyan na ganyan siya noon sa akin. Ayokong isipin na magiging kagaya ni Mike si Junpei. Wala na rin akong balita sa lalaking iyon simula ng naghiwalay kami, hindi na ako nagpakita sa kanya at pinutol ko na din ang komunikasyon ko sa dati kong asawa. Ayoko na maulit yun, kuntento na ako kay Mike at sa buhay ko ngayon, pero bakit nakakaramdam ako ng takot ngayon, para kaseng anytime mauulit nanaman ang mga nangyari sa akin noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD