Chapter four
ARA
Normal ang buhay ko, tahimik at masaya kasama si Mike, tama talaga ang desisyon ko na makipaghiwalay kay Junpei lalo pa at pareho kaming nawawalan ng respeto sa isat isa.
Ilang taon na ang lumipas pero hindi man lang kami biniyayan ng anak ni Mike.
May problema kaya sa akin? O kaya naman sa kanya?
“ Oh! dahan dahan lang mahal.” Nabigla ako ng bumukas ang pinto at pagewang gewang si Mike na naglakad papasok dito sa bahay namin.
May dalawa siyang condo unit at may sarili din kaming bahay.
Sayang nga at wala man lang kaming anak hanggang ngayon, mabuti na lang hindi pa ako menopause, baka sakaling magkaroon pa ako ng baby.
Inalalayan ko siya papasok dito sa loob ng bahay. “ Saan ka nanaman ba galing mahal?” tanong ko.
“ Diyan lang.” yan nanaman ang sagot niya, pero ang alam ko nakipagsugal siya at nakipag inuman sa mga kaibigan niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. “ Ang ganda ganda mo talaga Ara.”
“ Ang galing mo talaga mambola.”
Kahit na lasingero siya at palasugal ay hindi naman niya ako sinisigawan o nasasaktan pisikal, hindi rin siya nambababae, wala pa naman akong nahuhuli na ibang babae ni Mike, huwag lang niyang gagawin dahil alam niya kung paano ako magalit.
“ Pakiss ako.” Hinalikan niya ako sa pingsi, akala ko isang beses lang, naaamoy ko ang alak sa kanyang hininga, hindi lang isang beses niya ako hinalikan, paulit ulit hanggang sa makaabot siya sa labi ko.
Ang bilis niyang inangkin ang labi ko kaya naman hindi ko na siya napigilan.
Ayaw niyang bitiwan ang labi ko kaya pinagpatuloy niya ang paghalik sa akin hanggang sa makaabot kami sa kwarto.
Inihiga niya ako at agad na tinanggal ang suot kong shorts, napakabilis niyang ibinaba ito at tsaka niya dinilaan at hinalikan ang binti ko.
Nakikiliti ako dahil may kaunti siyang bigote, pero nasasarapan ako tuwing mararamdaman ko ang paghinga niya sa aking balat lalo pa at papunta na sa aking puson ang kanyang bibig.
Nag iinit si Mike, ganyan naman yan kapag nalalasing, walang araw na lasing siya ang hindi siya nakikipagtalik sa akin.
Nakakabaliw ang ginagawa niya, ramdam ko ang lagkit sa aking p********e kaya napapasabunot ako sa kanyang buhok.
Pakiramdam ko, naiihi ako pero parang may lalabas lang sa akin kaya naman pinipigilan ko pa.
Nakikiliti ako sa ginagawa niya, pinaglalaruan niya ang p********e ko kaya napapahawak na lang ako kung saan saan. “ Sige pa Ara, umungol ka pa.” sabi niya habang hinihimas ang magkabilang dibdib ko.
Nakapikit ako at dinadama ko ang bawat halik niya sa bandang ibaba ko, napamulat na lang ako ng bigla niyang ipasok ang kanyang p*********i.
Halos mayakap ko siya ng mahigpit sa sobrang sakit, kahit na araw arawin niya ako nasasaktan parin ako tuwing maipapasok niya ng biglaan ang ari niya sa akin.
Sarap na sarap siya tuwing nakikita niyang nasasaktan ako tuwing ibabaon niya ang kanyang naninigas na p*********i.
“ Mike! Ah!” napalakas ang sigaw ko dahil sinasagad niya ang pagbaon, parang unang beses lang namin makipagtalik sa isat isa ahil parang sabik na sabik siya sa akin ngayon.
“ Umungol ka lang, isigaw mo pa.” ang kanyang boses parang nang aakit, galit nag alit ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin, napapatirik ang kanyang mga mata tuwing binibilisan niya ang pagbayo.
Pareho kaming nilabasan at napagod matapos niya akong bayuhin ng malakas.
Nangawit ang aking binti sa sobrang paninigas nito kanina.
Hingal na hingal siya habang nasa gilid ko, hindi na nga siya bumangon pa, deretso tulog na aagd si Mike kaya ako na lang ang nagbihis at nagkumot sa kanya.
Inayos ko ang mga pagkain na hinain sa kanya, akala ko kase kakain pa siya dito.
Tumabi rin ako kaagad sa kanya at tsaka siya niyakap.
Napakapayapa sa pakiramdam, wala akong pinoproblema sa pera, itong kalasingan lang ni Mike ang inaalala ko minsan dahil nasosobrahan niya din.
Kinabukasan maaga akong nagising, tulog pa si Mike kaya ako ang bumangon at lumabas ng bahay para bumili ng pandesal.
Mga alas otso na tulog parin siya, iba talaga kapag nasosobrahan niya ang alak, ang hirap niyang gisingin dahil baka mamaya ay sumuka siya o magkahang over.
“ Dito ba nakatira si Mike Perez?” may lalake na nakasakay sa magarang sasakyan ang nagtanong sa akin ng makatapat ako sa gate ng bahay.
“ Yes, and why?” tanong ko.
“ Gusto namin siyang makausap.”
“ Tinatanong ko kayo kung bakit niyo siya gustong makausap, hindi niyo man lang ba sasagutin ang tanong ko?”
“ Sa pagitan na namin yun ni Mike, labas ka na dun, sino ka ba?”
“ Asawa niya.”
“ Hahaha, may asawa pala yung gagong yun.”
Bigla akong nalungkot, bakit hindi nila alam na may asawa si Mike, kahit hindi kami kasal, ang turingan naman namin ay mag asawa. Hindi na lang ako umimik, masakit kase na hindi ka man lang pinapakilala ng mahal mo sa mga kakilala o kaibigan niya.
Kung sabagay, hindi naman siguro niya kaclose ang mga ito kaya hindi niya ako ipinapakilala.
“ Natutulog pa siya.”
“ Gusto namin siyang makausap.”
“ Maghintay kayo.”
Umiiba pakiramdam ko sa mga lalaking ito, parang masasamang tao pero ayoko silang ijudge, pumasok ako ng bahay at ginising si Mike.
“ Umm, sino ba yun?”
“ Malay ko, ayaw naman nilang magpakilala, mag uusap daw kayo, yun ang sabi.”
“ Huh? Hays, lintek naman oh.” Naistorbo kase ang tulog niya kaya siya nagkakaganyan. Gusto pa ata niyang ituloy ang pagtulog niya ng ilang oras.
Lumabas siya ng bahay, hindi ko na siya sinundan, nasa tapat lang ako ng pintuan. Maririnig ko rin naman hanggang dito ang usapan nila.
Ang lakas ng tawa nung lalake kanina ng makita si Mike, parang magkaibigan sila? I don’t know, basta mukhang hindi naman niya kaaway, nakaakbay pa nga sila kay Mike.
Tinatapik tapik pa nila ang likuran ni Mike na para bang natutuwa sa usapan nila, hindi ko maintindihan masyado ang mga pinagsasabi nila kay Mike.
Puro kase tawa yung isa, pero yung tawa niya parang nakakaasar.
Ano kayang nangyayari? Sino kaya itong mga to?
Si Mike naman normal lang ang itsura, nakikipag usap lang siya ng maayos. Napatingin sa akin yung lalake at tsaka ako nginitian, hindi ako ngumiti sa kanya dahil nakakaasar ang itsura niya.
Bumulong yung isang lalake sa kanya bago sila umalis ng tuluyan. “ Sino yung mga yun?” agad kong tanong.
“ Mga kalaro ko sa cassino.”
“ Ah kaya pala.” Halata namang mga sugarol kase itsura palang, ewan judgemental na kung judgemental, atleast nagpapakatotoo. “ Anong sinabi sayo?”
“ Wala yun nangangamusta lang.”
Nangangamusta? Pinuntahan pa siya dito para kamustahin? Meron namang text o kaya social media ah, hays, hindi ako tanga Mike, may tinatago ka ba sa akin?
Derederetso siya sa kwarto at natulog ulit, gusto ko pa sana siyang tanungin tungkol sa mga lalake kanina pero hindi na niya ako sinagot.
Lumabas akong muli ng bahay dahil iniabot sa akin yung bill ng kuryente, pumunta ako sa kwarto ni Mike upang kunin ang wallet niya.
Nasa gilid lang ng kama yun at open naman ako sa mga gamit niya, ayos lang sa kanya na kumukuha ako sa wallet niya ng pera, ginagastos ko naman kase para sa aming dalawa.
“ Wala siyang cash?” tanong ko sa sarili.
Puro barya ang laman ng wallet niya.
Tinignan ko ang mga card niya bakit kulang ng dalawa? Alam ko kase lima ito pero bakit tatlo na lang? nasaan yung dalawa?
Ngayon ko lang kase chineck ang wallet niya, ubos na kase yung allowance na binigay niya sa akin kaya kukuha ako ng pangbayad ng kuryente dito kaso wala namang laman.
Nawala niya kaya? Ang dami pa man ding laman nun.
Hindi ko naman siya matanong dahil tulog na tulog siya, pinagpatuloy niya ang kanyang pagpapahinga matapos niyang kausapin yung mga lalake kanina.
Umalis na lang ako ng bahay para bumili ng kailangan namin.
Wala pa nga ako sa gate may tao nanaman sa labas ng bahay. “ Sino ka?” tanong ko.
“ Maam, nandiyan po si sir Mike?”
“ Bakit? anong kailangan mo sa kanya?”
“ May nagpapabigay po nito sa kanya.” may inabot na sulat sa akin yung babae. “ Galing po sa bangko yan maam, sana po makabayad na siya ngayong buwan, salamat po.” Magtatanong palang sana ako kaso umalis na yung babae.
Bangko?
Makabayad?
May utang siya?
Saan naman napupunta mga inuutang niya? at bakit pa siya umuutang eh may pera naman siya? Hays Mike, akala ko alam ko na ang lahat tungkol sayo pero mukhang hindi pa pala.