Chapter three
JUNPEI’S POV’S
I thought I married a faithful woman.
We’ve been in a relationship for how many years, pero nagawa pa niya akong lokohin? Naging mabuti akong asawa sa kanya kahit na madalas hindi kami nagkakaintindihan.
I gave her what she wants and what she needs, oo mahirap talaga mag-umpisa at magpundar pero para rin naman sa amin yung dalawa, ang gusto niya? yung katulad parin kami ng dati, buhay binata at dalaga.
Hindi ko inasahan na gagawin niya ito sa akin dahil naging magkasintahan na kami ng ilang tao at napakaloyal niya noon sa akin, wala akong naramdamang pagdududa noon sa kanya, kampanteng kampante ako palagi pero nitong naging mag asawa na kami, may kakaiba akong naramdaman pero hindi ko yun pinansin.
“ Yung asawa mo palagi kong nakikita na may sumusundo sa kanyang ibang lalaki.” Yan ang naririnig ko tuwing dadaan ako sa pinagtatrabahuan niya.
May mga nakakakilala sa akin doon dahil ako ang sumusundo noon sa asawa ko, medyo nahirapan lang ako ngayon dahil pinunta ako sa ibang branch kaya umuuwi na lang siya mag isa.
Hindi ko pinapansin ang mga sabi sabing iyon dahil may tiwala ako kay Ara, mas pinapaniwalaan ko ang asawa ko kesa sa ibang tao.
Ayoko kaseng masira ang relasyon namin kahit na madalas kaming nag-aaway ng asawa ko.
Kaso nitong mga nakaraang araw may napansin akong kakaiba sa kanya, mga ikinikilos niya na hindi na niya ginagawa, at mga ginagawa niya ngayon na hindi naman niya nagagawa dati.
Tutok siya palagi sa cellphone at ngumingiti mag isa, ang palagi niyang rason ay kausap niya ang mga kaibigan niya pero hindi naman niya pinapakita sa akin yung mga chats at messages, nagtataka na ako doon pero hinayaan ko lang.
Palagi rin siyang late kung umuwi, minsan pagod na pagod at hindi na sumasabay sa akin tuwing dinner. Pinalampas ko yun dahil mahal ko siya, iniintindi ko siya dahil kakalipat niya lang sa ibang trabaho.
Ang pinagtatakahan ko lang tuwing uuwi siya masakit ang katawan niya kaya natutulog siya agad at deretso siya sa higaan namin palagi.
Hindi naman construction ang trabaho niya pero bakit parang sobrang pagod niya?
Ayoko talaga magduda kaso nakakairita na siya minsan, naiinis na rin ako tuwing tinatanong ko siya ng maayos, binabalik niya sa relasyon namin ang usapan, bakit daw hindi kami nag ipon muna bago magpakasal? hindi lang naman ako ang nagdesisyon nito, kaming dalawa, kaya naiirita na ako sa pagbabago ng ugali niya, nakakasakit na rin minsan.
I did my best to save our relationship but, she broke her promised to me.
Naglakas loob na akong pumunta sa trabaho niya upang hintayin siya, gusto ko malaman kung totoo nga ang mga sinasabi sa akin na may nakikita silang ibang lalake na sumusundo sa kanya.
Naghalf day ako sa trabaho para lang sa kanya, gusto ko siyang sunduin at suyuin kaso iba ang nakita ko, tama nga ang mga taong hindi ko kakilala.
Yung taong pinagkatiwalaan ko pa ang nagsinungaling sa akin.
She betrayed me.
Hindi ko mawari kung anong mararamdaman ko ng makita ko si Ara na may kasamang ibang lalake, pasakay pa sila sa sasakyan at napakalambing nila sa isat isa.
Nakatulala lang ako sa kanila habang nakatingin sa dereksyon nila.
Ngayon ko lang napagtanto na kaya palang sirain ni Ara ang relasyon namin kahit na umabot pa kami ng ilang tao.
Sinita ko silang dalawa pero hindi nagpaawat si Ara, ang sakit pakinggan ng salitang ayoko na pero hindi ako nagpatinag dahil ako ang asawa.
Hinila ko siya upang sumama sa akin ngunit nagpumiglas siya at pinipilit niyang sumama sa lalaking kasama niya kanina.
Putang ina talaga! nangengealam pa yung lalake sa away naming mag asawa, ang kapal ng pagumukha niya kaya naman nakatikim siya ng suntok mula sa akin.
Kahit na anong pilit ko sa asawa ko na sumama sa akin ay hindi ko siya mapilit dahil mas pinipili na niya ngayon yung lalaking kamakailan lang niya nakilala.
Ilang taon kami nagsama? Bakit ang bilis niyang bumitaw?
Hinayaan ko silang umalis dahil nasasaktan na rin ako sa mga pinagsasabi ng asawa ko, ayaw na niya sa akin kahit na gusto ko pang ayusin ang relasyon namin. Kahit na sobrang sakit ng ginawa niya sa akin ay mahal ko parin siya.
Gusto ko na siyang iuwi pero hindi na niya gustong sumama sa akin.
Wala akong nagawa.
Pinagtitinginan pa ako ng mga taong kanina pa nakikinig sa pagtatalo naming mag asawa, nagmukha akong kaawa awa dahil sa nangyari kanina.
Naglakad ako pauwi sa bahay, hindi ko maramdaman ang pagod dahil nasaktan ako sa pag iwan sa akin ng asawa ko, masama ang loob ko ngayon sa kanya. Kung masamang lalake lang ako nasaktan ko na siya kanina pa.
Ano bang nagawa ko at pinagpalit niya ako sa iba?
Dahil lang sa mayaman yung lalake?
O dahil sa mga problema namin sa bahay? Natural lang naman sa amin ang magkaproblema pero hindi natural ang manloko.
Pinunasan ko ang mga luha ko upang hindi mahalata nila mama at papa ang nangyari sa akin, umuwi ako dito sa pamilya ko dahil hindi ko kayang tumira sa nirerentahan naming bahay ni Ara.
Maaalala ko lang siya kapag umuwi ako doon.
“ Oh Junpei, bakit ka nandito? Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka.”
“ Namiss ko lang kayo ma.” Niyakap ko si mama ng mahigpit, nanahimik siya dahil sa ginawa kong yun.
“ What’s wrong? May problema ka noh?” iba talaga pakiramdam kapag kinakausap ka ng iyong ina, nararamdaman din nila kung may problema ka o wala.
“ Wala po.” Pero ang boses ko umiiba, nanginginig na dahil gusto kong umiyak habang yakap yakap sya, tiniis kong pigilan ang mga luha ko upang hindi ko masabi kay mama ang tungkol sa nangyari sa amin ni Ara.
Inilayo niya ako sa kanya at tinitigan ang aking mga mata. “ Huwag ka magsinungaling, mama mo ako.”
Ngumiti lang ako pero nangingilid ang mga luha ko kaya hindi na ako nakapagsinungaling kay mama. “ Hiwalay na po kami ni Ara.”
“ Ha? Bakit? anong nangyari hijo? Bakit hinayaan mong magkaganito kayo? Kung mababaw lang din na dahilan edi sana inayos niyo na lang.”
“ Sana nga ma.”
“ Hays, maaayos niyo rin yan, relax ka lang, ganyan talaga ang mag asawa.”
Akala ni mama ordinaryong pagtatalo lang ang nangyar, kahit na ganun ang ginawa sa akin ni Ara ay hindi ko siya siniraan sa mga magulang ko.
Hindi na ako umuwi sa tinutuluyan namin ni Ara, mahirap makita ang lugar kung saan kami nag sama, lalo mag isa ko lang at baka may maisip ako na hindi kanais nais.
I motivated my self alone, ang hirap sobra.
Lalo kapag nakasanayan mo na may kasama ka at katuwang sa buhay.
It’s her choice.
I was depressed for almost a month.
Pinilit ko lang magfocus sa trabaho para sa sarili ko, hindi na nagpakita sa akin si Ara simula ng araw na iyon at pinilit ko rin ang sarili ko huwag siyang puntahan sa pinapasukan niyang trabaho dahil kung mahal talaga niya ako, una pa lang ako na ang pinili niya.
Nilabanan ko ang lungkot ko.
Alam ko naman nagpapakasaya na si Ara sa iba, hindi ko lang matanggap pa ang mga nangyayari.
“ Junpei, we have a good news to you.” Lumipat na rin ako ng trabaho dahil nahirapan akong magfocus ng ilang lingo dahil sa paghihiwalay naming ni Ara. Sa ngayon magandang opportunity itong nilipatan kong trabaho. Hindi nakakastress at magaan ang loob ko sa mga katrabaho ko.
Pinapadala ako ngayon ng kompanya namin sa ibang bansa dahil sa magandang performance ko, tinanggap ko agad kung anong offer nila sa akin kaya naman nagtuloy tuloy ang mga blessings sa buhay ko.
Ilang taon akong nagsikap.
Ilang taon akong nasa ibang bansa.
At sa pagsisikap ko? Nakapundar ako ng sarili kong negosyo at yun ang nagpaangat sa buhay ko.
Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang dati kong asawa na sumama sa lalake na may kaya.
Nagsikap ako dahil doon, alam kong sumama siya dahil may kaya yung lalake, may sasakyan at mapera, hindi kagaya ko noon, walang wala at tinitipid ang kakarampot kong kinikita dahil gusto kong makapundar ng sarili naming gamit.
“ Mr. Serran, your board members are waiting for you.”
“ Give me a minute.” I said.
Para kaseng bumalik lahat ng ala-ala ko noong nakaraan habang pinagmamasdan ko ang magandang tanawin mula dito sa opisina ko.
Hindi ko namamalayan, ang layo na pala ng narating ko, hindi siguro ako mapupunta sa lugar kung saan ako nakatayo ngayon kung hindi ako iniwan ng asawa ko.
“ Sir I already booked a flight for you.” Ito ang hinihintay kong mangyari, ang makauwi sa bansa.
Hahanapin ko ang asawa ko.
Ipapakita ko sa kanya kung sino ang iniwan niya.