Chapter two
ARA’S POV’S
Naging madalas ang pagkikita namin ni Mike simula ng may nangyari sa amin ng gabing iyon, pero hindi niya alam na may asawa ako dahil ang pakilala ko sa kanya ay dalaga ako.
Natatakot kase ako na ang kasiyahang tinatamasa ko ngayon ay mawala.
Sa kanya na ako masaya.
Binibigay niya lahat ng gusto ko dahil negosyante siya, napakarami niyang pera, iniisip ko nga na sana siya na lang ang pinakasalan ko, edi hindi na ako namromroblema magtipid para may mga pambayad kami ng bills.
Napunta lahat kay Mike ang atensyon ko, nagkikita kami sa labas dahil hindi kami pwede sa opisina o sa malapit sa bahay dahil maraming nakakakilala sa akin na may asawa ako.
“ Gusto mo bang pumunta sa condo ko?”
“ What time ba?”
“ Pagkaout mo sa trabaho.”
“ Okay sure.” Grabe, may condo siya? Ang mahal kaya ng isang condo unit.
Naiimagine ko na ang mangyayari, sabik na sabik ako ngayon na sumama sa kanya dahil yung kaligayahan na gusto ko parang mararanasan ko ulit.
Sabay kaming naglunch, palagi niya akong sinusundo sa harap ng opisina na pinagtatrabahuan ko, hawak naman niya ang oras niya dahil nagmamanage lang naman siya ng kanyang negosyo.
Isa akong clerk sa isang Financing company, kaso mababa pa ang sahod ko dahil kakalipat ko lang dito. Ang asawa ko namang si Junpei sa bangko nagtatrabaho, teller siya doon.
Kulang ang kinikita namin pareho dahil nagrerenta lang naman kami ng bahay at halos lahat dito ay binabayaran, walang libre sa Maynila, pati nga makipagtalik may bayad, pwera na lang kung ganito kagalante ang mag aaya sayo kagaya ni Mike.
Excited ako na pumunta sa condo niya.
Hinintay ko na matapos ang trabaho ko at tsaka nagmadaling mag ayos ng table ko.
“ Aba, nagmamadali ah, may date ata kayo ng asawa mo?”
“ Yup.”
“ Blooming ka sis.”
“ Nadidiligan kase.”
Sabi nga nila gumaganda daw ako, simula talaga kase ng magkakilala kami ni Mike sumaya ako, dati puro problema ang nasa isip ko, hindi ko nga magawang ngumiti minsan dahil parang ayaw ko ng umuwi.
Kung pwede nga lang sana na hindi umuwi edi ginawa ko na, kaso hindi naman ako inaaya ni Mike na magsama na kami para naman makawala na ako sa kahirapan at sa asawa ko, oo ayoko na sa asawa ko dahil puro kami away at pataasan ng pride, hindi nga niya ako sinusuyo kapag nag aaway kami, pareho kaming mainit ang ulo kapag umuuwi.
Kapag ganun na ang sitwasyon nakakasawa na talaa.
Hindi ko alam kung pagsisisi ba itong nararamdaman ko pero hindi ko na talaga siya mahal. Mas mahal ko na si Mike kesa sa asawa ko, naibibigay niya kase lahat ng gusto ko, napakapayapa pa ng utak ko tuwing magkasama kami.
Sabi nga nila love yourself kaya naman mas pinipili ko maging masaya ngayon kasama si Mike, hihintayin ko ang tamang pagkakataon na makawala sa asawa kong si Junpei.
Baka ikamatay ko pa ang sobrang stress dahil sa kanya.
Balak ko na ring aminin kay Mike na may asawa ako, ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat, ayokong patagalin ang paglilihim ko dahil minahal ko na rin siya.
Hinintay niya ako sa may gilid ng pinagtatrabahuan ko, at palaging siya ang naghihintay, wala pa kaming usapan na ako ang naghintay, palagi siyang on time kaya mas lalo akong nahuhulog sa lalaking ito.
“ Let’s go?”
“ Tara.”
Ang saya saya ko dahil makakapunta na ako sa condo niya, sinabi niya yung lokasyon ng condo niya habang naglalakad kami papunta sa kanyang sasakyan.
Kaso nga lang.
“ Ara.” May bumanggit ng pangalan ko, alam kong yung asawa ko yun kaya hindi ako lumingon, pero nagdahan dahan ako sa paglalakad sa sobrang kaba ko. “ Ara!” sigaw niya, napakadiin ng pagkakasabi niya sa pangalan ko. “ Sino yan huh?” hinila niya ang braso ko para pigilan ako sa pagpasok.
“ Sino ka?” tanong ni Mike sa kanya.
“ Sino ka rin? Bakit sinusundo mo ang asawa ko?” tanong ni Junpei sa kanya.
“ Asawa?”
“ Oo, asawa ko to, kasal kami.”
“ Mike, sasabihin ko naman talaga to sayo, pero kase—”
“ Walang pero pero! Uuwi na tayo!” hinila ako ni Junpei palayo sa sasakyan.
“ Aray! Bitiwan mo nga ako Junpei!” sigaw ko sa kanya pero ayaw niya akong bitiwan, tinulak ko siya ng malakas kaya nakawala ako sa kanya. “ Ayoko na!” sigaw ko, nakakapagod na kase siyang intindihin. Hindi pa umaalis si Mike sa gilid ng sasakyan niya, tinitignan niya kami ng asawa ko habang nagbabangayan. “ Gusto ko naman na talaga makipaghiwalay sayo!” sigaw ko kay Junpei.
“ Makipaghiwalay? Tapos ano? Sasama ka sa lalaking yun!” turo niya kay Mike. “ Kasal tayong dalawa kaya hindi ako papayag sa gusto mong mangyari!”
“ Wala ka namang magagawa, ayoko na! ayoko na! bitiwan mo nga ako!” pinipilit niyang isama ako pauwi, ayoko naman na talaga umuwi kasama siya. “ Bitiwan mo ko!”
“ Bitiwan mo siya!” hinila ako ni Mike, akala ko nadismaya siya sa nalaman niya pero pinagtatanggol pa niya ako sa asawa ko.
“ Huwag kang mangengealam dito kabit ka!” sigaw ni Junpei kay Mike at inindayan niya ito ng malakas na suntok. Napasigaw ako sa nakita kong ginawa ni Junpei kay Mike, nataranta ako dahil napahiga si Mike sa sobrang lakas ng suntok na natamo niya.
“ Anong ginawa mo!” sigaw ko kay Junpei.
“ Dapat lang yan sa kanya, nangengealam sa away mag asawa.”
May mga nakatingin na sa amin, mga dumadaan na tsismoso at tsismosa, kainis lang dahil pinagtitinginan na kami ng mga dumadaan.
Pinatayo ko si Mike at inalalayan. “ Okay ka lang?” buti pasa lang ang natamo niya. “ Umuwi ka na.” utos ko kay Junpei.
“ Umuwi na tayo.” Diin niya, gusto talaga niya akong isama pauwi.
“ Ayaw na nga niya sayo pinipilit mo pa?” sabat ni Mike.
“ Huwag ka sabing mangealam sa amin!”
Hinihila ako ni Junpei pero kay Mike ako pumunta, natatakot ako na baka saktan ako ni Junpei pag uwi ko sa bahay, ayoko umuwi, ayoko ng sumama sa kanya.
Alam na niya ang tungkol sa amin ni Mike kaya malamang pag aawayan namin ito, ayaw niya akong pakawalan, suko na ako sa relasyon naming dalawa.
“ Ayoko na nga sabing sumama sayo.” Naiyak ako dahil sa takot, lumalayo kami ni Mike ng sabay mula sa kinatatayuan namin.
Hindi naman kami hinahabol ni Junpei dahil nakatingin lang siya ng masama sa amin ni Mike, mukhang hindi na niya ako kukulitin na sumama sa kanya, tuluyan na kaming sumakay ni Mike sa sasakyan niya.
“ Iuwi mo na ako.” Sabi ko.
Iniwan namin si Junpei na tulala sa daan, wala akong maramdaman na konsesnya dahil takot ako sa kanya.
“ Mag usap tayo mamaya sa condo.”
Tumango lang ako kay Mike, alam kong pag uusapan namin itong paglilihim ko sa kanya, gusto ko naman talaga sabihin sa kanya ang tungkol dito ngayon kaso naunahan ako ni Junpei.
Wala na akong itatago pa kay Mike dahil nalaman na niya na may asawa ako.
Hindi ako nagsasalita ng makarating kami sa condo unit niya, hinihintay ko lang kung ano ang sasabihin ni Mike.
“ Bakit inilihim mo sa akin?” tanong niya.
“ Natakot ako na baka layuan mo na ako kapag nalaman mong may asawa ako.”
Napangiti siya sa sinabi ko, anong meron sa nasabi ko? Bakit ngumiti siya? “ Ang babaw ko namang lalaki kung lalayuan kita agada gad, nakita mo na lahat lahat sa akin.”
Namula ako sa sinabi niya, nakailang ulit na kami nagtalik bago niya nalaman na may asawa ako, kung saan saang lugar pa nga pero madalas talaga sa sasakyan niya bago ako umuwi sa bahay.
“ Tanggap mo ako?”
“ Oo naman, wala naman sa akin kung may asawa ka.”
“ Talaga?” natuwa ako sa sinabi niya kaya napatayo ako at niyakap ko siya ng mahigpit. “ I love you.”
Sa sobrang sabik ko sa kanya ay nagkatitigan kami, gusto ko siyang halikan kaya nilapat ko ang labi ko sa kanya, smack lang naman dapat yun kaso mukhang nabitin si Mike kaya diniin niya ang katawan ko sa kanya at tsaka ako hinalikan ng marahas.
Ibang saya at kilig talaga ang nararamdaman ko tuwing kasama ko si Mike, para akong nasa langit tuwing didikit ang katawan ko sa kanya.
Sa kanya na ako.
Sa kanya lang.