Episode 4: Arrived In Valencia Bukidnon.

1201 Words
Balot na balot si Alona at ito ang lagi niyang suot kapag nagpupunta sa palayan. Para hindi masunog ang iniingatan niyang balat. Kung hindi siya magsasalita ay mapagkamalan itong lalaki dahil sa pustora niyang parang ninja. Hanggang sa makarating na sila sa palayan. Sa araw na iyon ay ang pagtatanim ang kanilang gagawin. Dahil hindi dumating ang isang tauhang nakatalaga para taga-hatak ng kalabaw. Napilitan si Alona na siya ang gagawa, dahil hinabol nila na matapos sa araw na iyon ang kanilang ginagawa. Samantala pagdating ni Liziel sa hacienda ay nakaramdam naman siya ng konting kaba. Hindi dahil kay Donya Monique, kung 'di kay Don Marino Valencia. Pagkakita ng guwardiya sa kanya ay agad siyang hinarang at tinanong kung ano ang pakay. Sinabi niyang pinapapunta siya ni donya at agad namang tumawag ang guwardiya sa loob ng bahay. Pagkatapos ikansela ang tawag ay pinapasok na siya. Nang makapasok na ito sa loob ng malaking bahay ay nasalubong naman niya si Don Marino at papalabas ito. "Magandang umaga, Don Marino," bati niya at nakayuko siya.. "Magandang umaga. Anong ginagawa mo dito, Liziel?" "Pinapunta ako ng iyong asawa." "Ganoon ba. Kumusta na si Alonamorhina?" Hindi agad nakasagot si Liziel sa tanong ni Don Marino. Pagkatapos magtanong ni Don Marino ay nagpaalam na si Liziel, pero biglang hinawakan ang kanyang braso. "Liziel, hindi mo pa sinagot ang aking tanong." "Bitawan mo ako baka makita ka pa ng iyong asawa," wika ni Liziel. Sa ganoong eksena naman ay nakita sila ni Ayesha, pero patay malisya siya. At Agad naman binitawan ng ama niya ang braso ni Liziel. "Hi, Dad! Good morning!" bati ni Ayesha sa kanyang ama. Pero ang mata ay sa kang Liziel nakatitig. "Good morning! Please tell your Mom na umalis na ako," bilin ni Don. "Okay, Dad." Pagka-alis ng ama ay aalis na rin sana si Liziel, ngunit bigla siyang tinawag ni Ayesha. "Wait!" galit niyang sambit kay Aling Liziel. "Bakit, señorita?" "I warning you! Stop flirting my Dad! Kung hindi ako ang makakalaban mo!" banta niya sa ina niya rito. Saka siya tinalikuran ng malditang anak ni Don Marino. Hanggang sa nagtuloy na siya sa likod ng bahay dahil sinabi ng guard na nandoon raw si Donya Monique. Pagdating niya doon ay naabutan niya doon ang kanyang pakay. "Magandang umaga, Donya Monique," bati niya "Magandang umaga rin, Liziel," turan ni donya. "Kumusta ka na, Donya Monique?" "Okay lang naman ako, Liziel." "Ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?" walang paligoy-ligoy niyang tanong "Liziel, magpapagawa sana ako sa iyo ng bagong mga kurtina para sa loob ng bahay," wika ni donya Monique. "Sige po, donya. Kailangan ba ito sa lalong madaling panahon.?" "Kailangang matapos mo ito sa loob ng isang buwan. Kailangan ko ito sa ika-beynte kuwatro na kaarawan ng anak ko," turan ni donya. Si Ayesha Yhang ay mas bata lang kay Alonamorhina ng isang taon. Pero nasanayan na ni Ayesha na bawat taon ay may malaking handaan talaga. Dahil nag-iisang unica iha nila ito. "Okay, Donya Monique, sisikapin ko. Pero kailangan ko ang pera para ibili ko ng tela." "Walang problema ibibigay ko ngayon pero siguraduhin mong mabili na tela ay iyong mamahalin ha. At isama mo na rin ang iyong anak sa kaarawan ni Ayesha." "Sige donya, susubukan ko kung pupunta ang anak ko." DAVAO PAGKATAPOS ng isang linggo ay nakalabas na rin si Doyzkie, kahit may kirot pa ang sugat pero nagbalik duty naman ang binata. Kinabukasan ay pinapatawag silang dalawa ni Chief Lito Lapis para sa kanilang bagong misyon. "Ano kaya ang bago nating trabaho, partner?" tanong ni Doyzkie. "I don't have any idea, partner," tugon ni Clyde. Pagpasok nila sa loob ay nabungaran agad nila si Chief Lapis na may binabasang mga report. "Good morning, Chief!" bati ng mag-partner at sabay saludo. "Good morning! Upo kayong dalawa." Umupo naman sila at hinihintay ang sasabihin ng kanilang nakatataas. "Anyway may bago kayong misyon,at si General na ang mag explain sa inyong dalawa. Ito pag-aralan ninyo itong mabuti." sabay abot ni Chief Lapis sa tig-iisang folder. "Ano ito, sir?" tanong ni Clyde. "Si General na ang magpaliwanag sa inyo. At naghintay siya ngayon. Proceed na kayo doon," utos ni Chief sa kanila. Umalis agad ang dalawa at nagtungo sa kuwarto ni General at kumatok agad si Clyde. "Come in!" tugon ni General Robinson at Pinaupo naman sila sa harapan nito. "So, handa na ba kayo?" Panimula ng nakakataas. "Handa na, General." "Good! Check ninyo ang nasa folder at pag-aralan ninyo nang mabuti. Ito na misyon ay kailangan walang ibang nakakaalam maliban kay Chief Lapis at sa akin. Doble ingat kayo dito dahil hindi ito basta-basta na misyon," paliwanag ni General sa dalawa. Pinagmasdang mabuti ni Clyde ang kanyang misyon at nakaramdam naman siya ng excited dahil ito ang kanyang gusto. Binuklat pa ni Clyde ang nasa likod na pahina at nakita niya ang isang larawan ng dalaga tinitigan niya itong mabuti at napansin ito ng kanyang ina. "Siya si Ayesha Yhang, isang spoiled brat na anak," paliwanag ng ina. Maganda ang dalaga at natanto naman ni Clyde na tama ang kanyang ina. "Ito naman si Alonamorhina, sabay abot ni General sa larawan ng isang simpleng dalaga sa pagtitig ni Clyde sa mga mata ng dalaga. Iwan ba kung bakit bigla na lang siyang nakaramdan ng kakaibang saya sa kanyang puso. "General, ano ang kanyang connection sa pamilyang Valencia?" tanong ni Clyde na hindi pa rin nawala ang kanyang mga mata sa parawan ng dalaga. "Anak siya ni Don Marino sa isang mahirap na babae na tauhan lang sa Hacienda. To remind both of you mag-ingat kayo sa bawat salita ninyo. Hindi alam ni Alonamorhina na anak siya ni Don Marino. Na ang tanging nakakaalam lang sa lahat ay si John, ang nakagisnang ama ni Alona." wika ni General. Nang marinig ni Clyde ang kuwento ng ina ay nakaramdam naman siya ng sobrang awa sa dalaga. Hindi niya alam kung bakit, pero gusto niyang kilalanin nang mabuti si Alonamorhina. "Kailan kami magsimula nito General?" tanong ni Clyde. "This week tutungo na kayo sa Hacienda de Valencia, Gumawa kayo ng paraan para makapasok at makalapit kayo sa bahay. Tandaan niyo na walang ibang makakaalam sa misyon ninyo," pag-uulit na bilin ni General. "Copy, General!" sagot ng dalawa. "Okay, dismissed!" tugon nito. Pagkalabas ng dalawang mag-partner ay niyaya muna ni Clyde si Doyzkie para magkape bago sila maghiwalay. Sa isang malapit na coffee shop tumambay ang dalawa. "Pakner, mukhang excited ako nitong misyon natin ngayon," sabi ni Doyzkie. "Oo nga! Pero mas excited ako na makilala si Alonamorhina ba 'yon?" turan ni Clyde. "Naku! Patay tayo diyan!" tugon ng kanyang partner. "Bakit naman, partner?" takang tanong ni Clyde. "Mukhang may tama ka kasi sa babae." "Actually… medyo tinamaan ako pero siyempre, unahin muna natin itong misyon. HACIENDA de VALENCIA Sumapit ang araw ng pagpunta ng dalawang mag-partner sa naturang lugar. "Robinson, Albaracin, ito ang mga kagamitan ninyo, lahat ay nariyan na. Mag-ingat kayo,"bilin ni General sa kanila. "Salamat General." sagot ng dalawa sabay salute. Nagtungo ang dalawa sa naturang lugar. Bus lang ang kanilang sinasakyan, nasa limang oras rin ang kanilang biyahe bago makarating sa bayan ng Valencia Bukidnon. Agad silang nagtanong kung saan matatagpuan ang Hacienda del Valencia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD