SUMAKAY sila ng jeepney at dahil puno na sa loob ay napilitan silang sumakay ibabaw. "Naku! Partner, kumapit ka nang mabuti, ha. Ako ang mananagot kay general." Pag-aalala ni Doyzkie. "Relaks, carry ko ito," tugon ni Clyde na halatang nag-enjoy sa ibabaw ng sasakyan. "Aminin ko sa 'yo, partner. Hindi ako sanay sa ganito," pahayag ni Doyzkie, dahil kinakabahan siya nang kunti. First-time nitong sumakay sa ganoong posisyon. Lalo na ang liit ng kalsadang dinaanan nila. "This is what I like. It's an adventure!" tugon naman ni Clyde. Pailing-iling na lang si Doyzkie sa takot at kaba. "Yeah… Adventure!" At tumawa ito ng mapakla. Hanggang sa makarating sila sa baryo kung saan matatagpuan ang Hacienda de Valencia. Pagbaba nila ng jeepney ay agad silang nagtanong kung saan ang daan papunta