XELLONIA POV KINABUKASAN, nagising na ako. Nauna akong nagising kaysa sa alarm clock ko. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba ako dahil dama ko ang aking kaluluwa ay gising na gising. Naglalakbay. Ganito ako kapag hindi mapakali. Kapag kinakabahan. At higit sa lahat, kapag natataranta ako para sa aking buhay. “Hay!” Hindi rin gumana ang pagbibilang ko ng isang tupa kanina dahil hindi ako nakatanggap nang magandang tulog. Napaupo ako sa kama, hinilamos ang aking mukha at inayos ang aking buhok na sobrang gulo. Kinuha ko ang tali sa buhok na nakalagay sa bed frame, pinusod ko iyon sa aking buhok. Napatingin ako sa aking phone at nakita kong 4:30AM pa lamang. Sobrang aga pa talaga. Bumangon na ako at napaunat—unat ng aking katawan para maging okay ang aking body ngayong araw. “X

