XELLONIA POV NATAPOS na rin akong mag—impake. Isang bag ang dala ko at nagkasya naman roon ang aking gamit dahil ang pang—personal hygiene ko ay nilagay ko sa aking shoulder bag. “Xellonia, ready ka na ba?” Narinig ko ang boses ni Karen sa labas ng kʼwarto ko kaya tumayo na rin ako at lumabas mula roon, dala ang aking bag and shoulder bag. “Iʼm ready!” nakangiting sabi ko sa kanya. “Same! Ako rin ay ready na ako! Excited na ako! Maganda roon sa Lazaro beach resort, Xellonia. Paniguradong mag—e—enjoy tayo sa loob ng tatlong araw,” sabi niya sa akin. Halata sa mukha niya ang pagiging excited. “Really? Lalo tuloy akong na—excite sa sinabi mo, Karen. Tara naʼt bumaba at baka tayo na lang ang hinihintay nila,” sabi ko sa kanya at lumakad na kami pababa. Dumiretso na kaming lumakad hangg

