XELLONIA POV “WOW!” Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapabulalas nang makita ko ang aking suot na white dress na maraming beads sa laylayan na ito. “Para siyang wedding dress—” Napailing ako nang masabi ko iyon sa aking sarili. “Anong wedding dress? Ano ba itong pinagsasabi ko ngayon. Wala lang ito,” sabi ko sa aking sarili. Nang matapos kong tignan ang aking sarili sa salamin ay naglagay na rin ako nang kaunting makeup para naman bumagay sa aking suot. Hindi ko alam kung ano ba ang binabalak nina daddy Santi and daddy Vill. Gabi na tapos may ganito pa silang nalalaman. Hays. Gabi na pero ang aking pakiramdam ay kinakabahan. Hinagod ko pa muli ang aking dress at umalis na rin sa full body mirror. Hindi ko alam kung anong mayroʼn ngayong gabi. Wala naman sinabi si K

