XELLONIA POV ILANG oras ang naging byahe namin pabalik sa amin, pero hindi nagkaroon ng dull moments ang byahe namin dahil nagku—kʼwentuhan kaming tatlo roon. “Weʼll almost here, baby ko,” sabi ni daddy Vill sa akin, kaya napalingon ako sa bintana at nakita ko ang name ng village. Nandito na nga kami. Pumasok na kami sa may gate, kusang tumaas ang harang doon kaya dire—diretso kami pumasok hanggang nakita ko nang malapit na kami sa bahay nina daddy Santi and daddy hanggang biglang nawala ang ngiti sa mukha ko. Nangunot ang aking noo nang may makita akong dalawang taong nakatayo sa harap ng gate namin, kasama si Hazel, siya lang ang nakikita kong mukha. “Sino ang mga kausap ni Hazel?” tanong ni daddy Santi habang nakatingin din doon. Habang palapit pa rin kami nang palapit sa may ga

